Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Darna’ ni Jane, Kim sa ‘Captain Manila’ tapatan

0 323

Totoo nga kayang mas “mauunang lumipad” ang Kapuso sexy star Kim Domingo sa “Captain Manila” kesa sa “Darna” ni Jane de Leon?

Iningunguso ng mga netizen na ang ka-Siyete bombshell diumano ang mas mauunang makikipaglaban sa mga kampon ng kadiliman at masasamang element.

Sa kanilang pakiwari, kabog na kabog ni Domingo si de Leon lalo na kung pagiging body beautiful ang pag-uusapan.Alam naman nating oh lala ang alindog ni Kim .

Kung siya nga talaga ang bibida at tama ang pamagat nito, kaano-ano kaya siya ni “Captain Barbel?’ Kamag-anak, kapatid, o dating kasintahan?

At ang kanyang kasuotan, pulang bra na may mga bituin at panty na may mala-kurtinang pantabing . Ito ba’y para maingatan at hindi mapagpantasyan ang hiyas ng super heroine?

Hindi naman kaya mala-“Volta” ni Ai-Ai delas Alas ang magiging inspirasyon ng kasuotan ni Domingo?

Go for gold ang mga Kapuso loyalist na si Domingo ay bubulaga bilang super heroine .Hinog na hinog na ito sa pagbibida at tatlong palatuntunan na sa GTV (ang bagong label ng GMA Public Affairs produced entertainment shows)na siya ay kasama sa cast na talagang well-received at watched.

Kung si Kim nga ang itatapat kay Jane, magandang kabugan nga naman ito. Magpakatotoo na tayo, we cannot seem to get enough of super heroines at buhay na patotoo diyan ang “Wonder Woman” kung saan mas lalong naging estrella ang karera ni Gal Gadot.

Kaya may the best woman win ang drama sa labanang Kim , na all woman and comely talaga ang presensya versus Jane , na sugar and spice and all that is nice ang datingan.

Siyempre pa sa tapatang ito, ang televiewers ang panalo kasi mas marami silang choices. Isang bagong-bagong lilipad pa lamang, si “Captain Manila” o ang tried and tested na bida na patuloy na may panghalina at hila sa mga tumatangkilik sa kanyang mga pakikipagsapalaran, si “Darna.”

Aga, Piolo ngiti ang resbak kay Pops

Dapat ba nating tanggapin, hook, line and sinker ang mga dramarama ni Original Concert Queen Pops Fernandez?

May pagtatapat diumano si Fernandez na si Aga Muhlach at si Piolo Pascual ay kanyang mga nakalipas na di na maaring balikan.

Kung nakalipas na pala,. Bakit ngayon lang binunyag? What good will these revelations do para sa isang 56-year old woman na tulad niya? Gusto niya bang sabihin sa lahat na kahapon, ngayon at bukas eh nararahuyo sa kanya ang mga lalaking pinapantasya ng lahat? Mas kinaganda niya ba ang pag-aming ito? Mas naging katakakam-takam ba siya sa mga lalaking mas bata, kaidaran o mas matanda sa kaniya ?Dadagsa ba lalo ang mga homme na tagahanga at nagnanasa kasi nga kaya niya talagang gawing “tahimik” at “pribado” ang kanyang mga relasyon?

Karapatan ni Pops na isiwalat ang kanyang version of truth.

Sasalungatin ba ito nina Aga at Papa P? Sigurado naman tayong hindi nila gagawin dahil tunay na gentlemen ang dalawa .Sa estado ng kanilang present lives, tiyak mapapangiti na lamang sila sa reveals na ito ni Ms. Pipay.

Argel, Juan Carlos patalbugan sa bukol

Tilam-tilam at parang nilalagnat na naman ang mga bekibel dahil sa bukol wars nina Argel Saycon at Juan Carlos Galano.

The WHO times two sina Saycon at Galano! Ang savage niyo sa kanila, my dear Abante TONITE readers! Hahahaha.

Ang Bukol Prince number one, si Argel ay dating PBB Housemate, bikini open kontesero at may not one, but two instant kape patalastas na talagang tumataktak sa lahat dahil sa kanyang kaguwapuhan.

Ang ikalawang bukol prince si Juan Carlos ay kasama sa cast ng MMFF suspense thriller na “Nelia” na pinagbibidahan ni WinWyn Marquez.

Pareho silang palaban sa mga pabukol sa kanilang underwear photo .

Hindi ba’t may isang bidyo pa nga ito sa IG rin na hindi sinasadyang masilip ang kanyang pubic bush dahil may I damba siya of his dog na accidentally nahila pababa ang garter ng kanyang suot na shorts kaya nangyari ang bulbol reveal.

Ang mga diwata ay nagluluningning ang mga mata dahil kina Argel at Juan Carlos,huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.