Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim kakasa sa mga astig

0 184

Para manatili ang tikas, kailangang sumalang ni Filipina champion triathlete Marion Kim Mangrobang bago magtapos ang taon.

Hindi niya palalampasin ang pagkakataon sa paglahok sa International Triathlon Union (ITU) World Cup 2020 sa Czech Republic sa Setyembre 13.

Kasalukuyang nasa Desmor, Portugal ang 28-year-old at Sta. Rosa City resident, nagte-training sa ilalim ng batikang coach na si Sergio Santos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang event ay isa sa mga paghahanda ng dalaga para makakuha ng slot sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021.

“My coach told me that I can’t let a year pass wihtout any race abroad because my competition experience might be gone,” pahayag kahapon ng two-time SEA Games gold medalist sa RP2. “We initially had three races to choose from, but the other two were cancelled, and this is the only one left.”

Pinanapos ng national athlete, na hindi siya tumitigil sa pag-ensayo kahit nasa kalagitnaan ng COVID-19. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.