Abante Tonite Interactive

Kim Kardashian dedma sa away nila ni Taylor Swift

196

Muling binuhay ni Taylor Swift ang away sa pagitan nila ni Kim Kardashian. Pinaratangan niya ang sikat na rea­lity star at asawa nitong si Kanye West bilang “bullies.” Ito ang naglunsad ng “hate campaign” laban sa kanya na may kasama pang “snake tweet.” Nang makarating ang balita kay Kim ay mabilis niyang sinabi na lumang balita na ang away nila ni Taylor at wala na siyang balak na balikan pa uli ito.

Dedma na lang siya para hindi na mabuhay pa uli ang isyu sa pagitan nila ng mang-aawit.

Nag-aalala ang mga tagahanga ni Taylor Swift dahil lagi siyang nagha­handa laban sa mga attackers­ niya. May dala siyang military grade bandages sa kanyang mga pagtatanghal para na rin sa kaniyang sariling kaligtasan. Inamin ng pop star na maraming mga stalker ang nagbalak na pumasok sa kaniyang bahay.

Noong nakaraang taon ay nabigyan ng restraining order ang isang lalaki na nagtangkang pumasok sa kaniyang bahay na armado ng kutsilyo. Noong Pebrero ay ina­take rin siya ng lalaki gamit ang isang pala.