Abante Tonite Interactive

Kim kinasuhan sa pagnanakaw ng larawan

832

Nahaharap ngayon sa kaso si Kim Kardashian matapos niyang ipost ang larawan niya at ni Kanye West sa Instagram. Ang isyu ay hindi siya ang nagmamay-ari ng larawan na ito.

Ayon sa The Blast, ang photo ay kuha mula sa listening party ng album ni Kanye na “Nas” noong 2018 at ang kumuha nito ay si Saeed Bolden.

Isa ring paparazzi si Bolden kaya nang matiyempuhan ang sweet moment nina Kim at Kanye ay agad niya itong kinuhanan. Mukhang nagustuhan naman ito ni Kim kaya’t ipinost niya sa kanyang Instagram.

Malinaw rin sa kanilang batas na kahit ang isang personalidad ang nasa larawan ay wala pa rin siyang karapatan dito. Ang kumuha ng larawan o ang photographer ang siyang may copyright sa larawan.

Ayon kay Bolden, ang ginawa ni Kim ay malinaw na paglabag sa plaintiff’s rights. Kaya naman gumagawa siya ng aksyon at tinitira rin maging ang company ni Kim na “Skims”.

Bukod kasi sa pagnanakaw umano ng larawan niya, ginamit din niya ito para i-promote ang kanyang company na Skims. Malaking damage umano ito para kay Bolden lalo na’t pinagkakitaan ng business mogul ang larawan niya.

Madalas na nangyayari ang ganitong insidente sa mga celebrities sa Hollywood. Ang paparazzi na nasa likod ng lara­wan ay madalas na kumikita ng pera mula sa pagkuha ng la­rawan sa kanila.

Maging ang kapatid ni Kim ni si Khloe Kardashian ay nasampahan na rin ng kaso noong 2018, matapos niyang ipost ang larawan nila ni Kourtney habang palabas sa isang restaurant sa Miami. (Rona Ronda)