Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim kulang sa lambing kay Xian

0 165

NI: ARCHIE LIAO

Nag-spread ng good vibes ang ibinahaging Tiktok video ni Xian Lim sa kanyang Instagram account.

Ang naturang video ay inspired daw ng Pinay Olympic gold medalist na weightlifter na si Hidilyn Diaz.

Sa nakakatuwang video, ipinakita ang actor habang nag-e-effort na buhatin ang barbell na loaded ng weight plates.

May hugot pang maririnig sa kanyang pagbubuhat ng barbell.

Aniya: “’Di ko kaya, coach. ‘Di ko kaya. ‘Di ko kayang mawala siya sa buhay ko.”

Humirit pa siya ng linya sa awitin ni April Boy Regino na “Hindi ko kayang tanggapin.”

May caption naman ang post niya ng :“Sobra akong na-inspire kay @hidilyndiaz. Gusto ko na rin mag weight lifting para mabuhat ko ang lahat ng relasyong gumuho.”

Nag-reply naman ang nobya niyang si Kim Chiu ng tatlong laughing emojis.

Kakatuwa naman ang naging reaksyon ng mga follower ng KimXi.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“HAHAHAHAHA thanks for always giving us a good vibes”

“Hahahahaha iba ka Xi” “Ate @chinitaprincess kulang sa lambing yan”

“Grabe, wasn’t expecting that”

“💪that’s meant for you Kimmy!🌸Di nya kayang tanggapin…” 😍hindi ka nya pwedeng pakawalan!!💪💏💪SAKALAM talaga si @ awkwardchinito!

May ilan namang kibitzers na nagsabing bagay pala kay Xi ang gumanap bilang Captain Barbell complete with his Felix bakat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.