Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim magaling gumiling

0 480

NI: ROLDAN CASTRO

Inilunsad kahapon ang bagong single ni Kim Chiu na “KIMMI”. Bahagi ito ng kanyang selebrasyon ng ika-15 taon sa showbiz.

Mala-party anthem ang kanyang kanta.

Nag-post pa ang Chinita Princess ng picture niya habang nasa recording studio at tinanong ang mga ‘classmates’ niya kung ano ba ang pwedeng gawin ngayong bawal pa ring lumabas dahil sa pandemya.

Isinulat at ipinrodyus ng DJ ng “It’s Showtime” na si DJ M.O.D. ang “KIMMI” na tunay ngang may nakakaindak na tunog.

Dito muling makikita na magaliang gumiling si Kim habang kinakanta ito.

Nagsulat din si Kim ng dagdag na lyrics sa Bisaya para sa nasabing kanta .Nagpapaalala na dapat enjoy-in ang buhay na para bang isa itong party. Pwedeng-pwede ring pasikatin ng ‘Dancefloor Princess’ ang “KIMMI” bilang pinakabagong dance anthem. (Roldan Castro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.