Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim, Maja pinagsasabong sa dance floor

0 130

NI: ARCHIE LIAO

May bagong pasabog ang ASAP kung saan ipakilala nila ang mga miyembro ng kanilang Sunday noontime variety show sa kanilang teaser.

May ilang netizens na nagtaas ng kilay dahil sa mga titulong ibinigay nila sa kanilang mga performers.

Ipinakilala nila si Kim Chiu bilang queen of the dance floor na dating titulo ng kanyang kaibigan na si Maja Salvador. Incidentally ay nag-ober da bakod na ang huli at mapapanood na sa rival network.

Sey ng ilang naga-ampalaya, hamak daw namang may K na tawaging queen of the dance floor si Maja dahil mas graceful daw itong sumayaw kumpara sa chinita actress.

Pagtatanggol naman ng iba, ipinakikita lang daw ni Kim ang kanyang versatility.

Anila, malaki raw ang naging improvement ni Kim dahil may elya na raw itong gumiling.

Inspirasyon din daw ito sa mga kababaihan dahil mula sa pagiging patpatin ay nagawa raw nitong mag-transform bilang fit and fab gurl na kinarir ang pagkakaroon ng sexy body.

Sa ngayon, inaabangan na ang salpukan ng dalawa kapag nagsimula nang gumiling si Maja sa kabilang show.

Leave A Reply

Your email address will not be published.