Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim mas brutal kay Vice sa mga higad girl

0 99

NI: ARCHIE LIAO

Ilang taon nang mag-nobyo sina Kim Chiu at Xian Lim.

Sinubok na rin ng ilang intriga ang kanilang relasyon.

Sa maraming taon din ng kanilang reel and real romance, never silang na-involve sa iba .Patunay lamang na napakalaki ng pagpapahalaga nila sa katapatan sa isa’t-isa.

Katunayan, smasasabing kasal na lang talaga ang kulang
para mapatatag ang kanilang relasyon.

Sa isang segment ng It’s Showtime, hindi napigilan ni Vice Ganda na urutin si Kim.

Tinanong niya kung ano ang gagawin nito kung sakaling may makating higad o babaeng mang-aahas o harap-harapang maglalandi kay Xian?

Base kasi sa karanasan ni Vice, nalaman daw niya na may mga babae pa ring naglalandi at nagpapadala ng private messages sa kanyang dyowang si Ion Perez na hindi naman itinatago sa kanya ng dating Mr. Escort.

Sey naman ni Kim, iba raw ang kanyang strategy.

Kung may babae raw na magpapakita ng motibo kay Xian, itotodo display daw niya ang kanyang ka-sweetan sa boyfie para mapahiya ang higad.

Pero kung wa epek ito, doon na raw gagamit ng dahas.

“Ipapakulam ko na lang… charot!”, sey ni Kim.

Sey ng kibitzers, mas brutal daw pala si Kim kesa kay Vice .Kung mega sabunot ang komedyante sa higad girl ni Ion, si Kim naman ay mega tusok sa voodoo doll.

Leave A Reply

Your email address will not be published.