Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim masarap na pulutan

0 378

NI: NONIE NICASIO

Nakagigigil ang pormang makikita kay Kim Rodriguez sa kanyang Instagram post.

Malakas ang hatak sa mga barako ng aktres. Matamis na ngiti pa lang ng dalaga ay maraming kalalakihan na agad ang magiging masaya. Kapag nabistahan ang kanyang wow na wow na legs, makurbang katawan, at very refreshing beauty, kompleto na ang araw ng maraming boys.

Maihahalintulad ang kanyang karisma sa isang putaheng katakam-takam na masarap pulutanin.

Ang 25 year old na Kapuso actress ay nabigyan ng kanyang first big break noong 2013 nang magbida sa teleseryeng ‘Kakambal ni Eliana’. Huli siyang napanood sa hit TV series ng Kapuso Network na ‘Ika-5 Utos’.

Sa angking kariktan ng dalaga, walang dudang maraming member ng opposite sex ang mabibighani sa kanya.

Tiyak na ang mapanuksong alindog na ito ni Kim ay susi sa kaligayan ng maraming kalalakihan.

Walang barakong hindi magiging green minded, kapag nasilip ang natatanging kaseksihan at ganda ni Kim.

Leave A Reply

Your email address will not be published.