Abante Tonite Interactive

Kim matrona ni Xian?

By
2,011

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioAng kakaibang pagsasamahan nina Kim Chiu at Xian Lim na yata ang pu­wedeng ihalintulad sa Bermuda Triangle. Wala kasing kumpirmasyon kung tunay ba silang mag-sing irog o sadyang mabuti silang friends.

Kaya nga ang pahayag ni Kim na nag-aalala siya dahil nga may emotional outbursts si Lim of late, hindi ko talaga ma-connect the dots kung saan relasyon dapat, sa platonic ba? Sa romantic? Sa erotic? O mas marami ang wa pakels sa KimXi dahil mas bet niyo WinXi, Alwin at Xian kayo mas kinikilig? Charot! Hahahahaha!

Super concerned naman si Chiu­chay sa mga hanash ni Xi. May pagtatanong pa nga raw ito kung bakit masyadong emosyonal ang kaibigang binata.

Ayon sa binata, sa kuwento ni Kim, hindi raw naman ito feeling down and out, inspiring words lang ang mga ‘yun para sa mga nilalang na tila nagugulumihanan at wala itong problema.

Baklang-baklang nga ang drama ni Chiu na ililibre si Xian para huwag na ito maglungkot-lungkutan. Libre talaga, Kim? Agad-agad? Ano ka ba, young matron sa buhay ni Lim? Hahahaha.

Sa true lang, seemingly bongga naman ang karera nitong si Xian. Ang isa sa mga childhood dreams niya, natupad. Basketball player na siya. May paparating siyang pangmalakasang pelikula. At may aklat siyang ginagawa. Kaya, if the going ons in his life are rosy, sa loob na niya eh tormented talaga ang binata? Is he be true to his Cancer self at dahil nga sa kanyang mga posts, alam na alam na nating lahat na he is tough on the outside and soft and tender on the inside?

Is Xian Lim really crying out for help? Hay naku, Xiam. If you need a friend, you know where to hanap ang diva that you love. Kiyeme! Hahahaha!

Speaking of Kim, super upgrade ang kanyang karera lalo na nga’t ang Kapuso Drama King Dennis Trillo ang kapareha niya sa Regal Films. Hindi naman kaya ikalungkot na naman ito ni BFF Xian niya? Huwag naman sana.
***

Hindi ko kinakaya ang drama nila, ibang klase ang the WHO times three, huh!

Ang the WHO. si Mommy JV, ang nanay ni the WHO times two na si not so Young JV, talaga ang nagkumpirma na hiwalay na ang de-kolor at puti niya sa kasintahang si the WHO times three Miho Nishida.

Si Mommy JV, masyadong tinaas ang stage mothering to an all new level. Siya pa ang may mahabang aria tungkol sa hiwalayan na sa text lang ginawa ni Miho?

How cruel can you get nga ba Miho o sadyang hindi ka na happy kay Young JV?

Ito naman kasing si the WHO times two na si JV, sure naman tayong hindi na siya young lalo na nga’t one time in his life of being a the WHO eh may jack off scandal siya? Kitang-kita na binata at bulblulin na siya kaya bakit hindi niya pa gamitin ang totoo niyang ngalan at tigilan na ang ilus­yong spring chicken, pubescent o juvenile at ‘young’ pa talaga siya.

Very yayamanin ang kanyang tu­nay na pangalan. Eduardo JV Arancillo Kapunan III, baka kung gagamitin niya pa ito, hindi na siya magiging the WHO, noh!

Ang tanong, totoo nga bang si Mommy Kapunan ang may-akda sa aria? O may taong mahusay sa creative writing ang may likha nito?

At kung saka-sakaling hiwalay na nga sila ni Ms. Retoke Queen, tataas bang muli ang presyo ng piso sa merkado? Parang hindi naman, huh! Baka kung may bagong bidyo pa si Eduardo na puputok, baka mas makilala na natin siya, pramis. Hahaha!