Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim may gayuma sa lalaki

0 73

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang pinakabagong entry sa kanyang vlog, ipinasilip ni Kim Chiu ang kanyang chic condominium unit.

Most of the time, lalo na kung wala siyang taping o shooting, dito raw siya nag-i-stay.

Aniya, ang nasabing condo raw ay itinuturing niyang “secret hideout.”

Hirit pa niya, maliit lang daw ang lugar dahil most of the time, siya lang naman ang mag-isang nandoon.

Dito rin daw siya namamalagi kapag gusto niyang magmuni-muni.

Kapag gusto raw niyang makaiwas sa ingay ng siyudad at magkaroon ng “alone time” para sa sarili, dito rin daw siya nagkukulong.

Sa kanyang epic tour ng kanyang condo, ipinakita niya ang kitchen, dining area, comfort room at living room nito.

Related Posts

Sa kitchen daw, mahilig siyang mag-prepare ng food para sa sarili pero madalas daw she’s into soup lamang.

Pati ang mga plato niya ay kulay pink.

Naniniwala raw kasi siyang kapag ‘pink’ ang plato niya ay hindi napapadami ang kain niya kasi nabubusog na siya sa ganda ng kulay nito.

Nagbahagi rin siya ng tips sa single girls kung paano maka-attract ng boys sa kanilang mga bahay.

Sa living room kasi niya ay naroon ang peony flowers na para sa kanya ay mabisang bertud para maka-attract ng mga lalake.

Ang kanyang namang living room ay naroon ang kanyang sofa at inflatable and convertible bed kung saan siya natutulog.

Ibinida rin niya na ang kanyang condo ay malapit sa building ng isang online shopping o e-commerce company na una niyang nasisilayan everytime na gumigising siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.