Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim muntik nang patusin ni Robi

0 307

Sumalang si Robi Domingo sa Truth or Dare challenge . Ito ay para sa benefit show ng mga biktima ng typhoon Odette.Sina Melai Cantiveros at Alora Sasam ang nagsilbing host.

May opsyon siyang sagutin ang mga tanong na ipupukol sa kanya o kumasa sa mga hamong ‘task’ na ipagagawa sa kanya.
Bukod dito, nahingan din siya ng love advice ng viewers.

Isa sa mga tanong ay kung na-imagine raw ba niyang magiging actor o TV host sa kanyang entire career?

Ani Robi, noong una raw ay nag-try siya ng acting pero na-realize niya na hindi para sa kanya ang pag-arte dahil napagtanto niyang mas magi–excel siya sa hosting.

Tungkol naman sa question kung may nakatrabaho na ba siyang na-fall siya, hindi naman niya ikinailang nangyari na raw ito.

Dahil madalas daw silang nagkakasama noon ni Kim Chiu sa shows, events at maging sa mga teleseryeng tulad ng “My Girl” at “Binondo Girl”, hindi raw maiaalis na magkalapit sila lalo pa’t minsan ay igrinoom din silang love team.

Nahulog daw ang loob niya at tinamaan siya kay Kim pero nagkaroon lang daw ng ibang direksyon ang kanilang closeness nang itambal ang chinita actress kina Gerald Anderson, Coco Martin at Xian Lim.

Sa naturang show din, inamin ni Robi na bilang isang boyfriend ay seloso raw siya.

Katunayan nang matanong niya kung feel niyang dyowain o tropahin sina Ivana Alawi at Chie Filomeno, aniya, mas bet daw niyang tropahin muna ang mga ito.

Kasi, kapag daw dyinowa niya ang sinuman sa mga ito, baka raw kapag may lalakeng umaaligid-aligid sa mga ito ay baka umuusok na siya sa pag-jejelling.

So far, sobra raw happy si Robi sa piling ng kanyang non-showbiz girlfriend na Maiqui Pineda na very supportive sa kanyang career.

Leave A Reply

Your email address will not be published.