Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim nagpaalam na sa TV Patrol

0 145

Nagbigay ng pahayag ang ABS-CBN 2 sa pag-alis ni Kim Atienza sa news program na “TV Patrol’.

“Nagpaalam na ngayong araw (Oktubre 1) si Kim Atienza sa mga tagapanood ng “TV Patrol” pagkatapos ng maraming taon niyang paghahatid ng ulat panahon sa programa.

Walang dudang tumatak na ang pangalan ni Kuya Kim sa mga manonood. Maituturing nang isang icon si Kuya Kim sa larangan ng telebisyon sa Pilipinas, gaya ng sinundan niya sa aming primetime newscast na si Ernie Baron. Sa loob ng 17 taon, nagbahagi siya ng kaalaman at tuwa sa aming manonood, maging sa mga kabataang Pilipinong natuto sa kanilang pagsubaybay sa kanya sa “Matanglawin.”

Nagpapasalamat kami sa dedikasyon at pagmamahal na ipinamalas niya sa kanyang trabaho, at higit sa lahat, sa kanyang serbisyo sa mga Pilipino. Mananatili kang Forever Kapamilya, Kuya Kim!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.