Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim nagwala kay Xian

0 148

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanilang kauna-unahang vlog together, napagdesisyunan ni Kim Chiu na maglaro sila ng “Sino ang Mas”challenge ng boyfie na si Xian Lim sa loob ng kotse nito habang stuck sila sa traffic.

Naghanda ng set of questions si Kim para sa kanilang dalawa kung saan sasagutin nila kung kanino applicable ito.

Unang tinanong ni Kim ay kung sino ang mas mahiyain sa kanilang dalawa.

Inamin naman ni Xian na mas mahiyain siya kay Kim. Siya raw iyong tipo ng tao na hindi agad-agad nago-open up kaninuman hanggang hindi pa niya ito nakakapalagayan ng loob.

Sa tanong na kung sino ang mas impatient sa couple, sey ni Xian siya rin daw, lalo pa’t nai-stress sila dahil sa traffic.

Sa question naman kung sino ang mas maalaga sa kanilang dalawa sa kanilang mga dyowa, sey nila na pareho silang caring at maalaga sa bawat isa.

Na-reveal din na mas sakitin si Xian kumpara kay Kim.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mas straightforward naman si Xian dahil daw lumaki siya sa ibang bansa kaya nasanay itong to the point at ayaw ng maligoy na usapan.

Sa pagiging mas daring at mas adventurous, para kay Xian, mas adventurous at daring si Kim.

Siya raw kasi iyong tipo ng tao na madalas na sumusunod sa rules samantalang si Kim ay may tendency na mag-violate ng rules lalo na sa trips nila noon abroad.

Sa question naman kung sino sa kanila ang mas masakit na magsalita, tinumbok ni Xian na walang iba raw ito kundi si Kim dahil isang Virgo ito.

Dito na nagwala si Kim dahil nagulat siya na hindi alam ng kanyang boyfie ang kanyang zodiac sign dahil isa siyang Taurus.

“Hala siya, di mo alam,”bulalas ni Kim.

“Kilala ko yung Virgo!” sabay hampas kay Xian. “Kilala ko kung sino yung Virgo! Tigil mo yung kotse, bababa na ako. Sumakit yung ulo ko sa sinabi ni Xi,” pahabol ni Kim.

Marami namang KimXi fans ang naaliw sa bistuhan ng magdyowa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.