Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim naiyak sa mga basher

0 217

NI: ARCHIE LIAO

Napansin ni Vice Ganda ang lungkot sa mukha ng It’s Showtime co-host na si Kim Chiu .

Katunayan, kuwento ng komedyante, nausisa na raw niya ito kung may dinaramdam.

Aniya, humirit pa nga raw ang chinita actress na bigyan siya ng pampa-good vibes.

“Sabi niya sakin, ‘Mama, bigyan mo naman ako ng good vibes today.’ Sabi ko, ‘Anak, ang ganda mo today. Ang ganda ganda ng suot mo. Denim, denim, denim. Ang pangalan mo ngayon ay Leila, Leila Denima.’ O, di tumawa siya,” kuwento ni Vice.

SM food to go Banner Ad

Inalo naman ni Ogie Alcasid si Kim at sinabing ang nararamdaman nito ay naranasan na rin niya.

Wala mang direktang binabanggit, mababasang apektado ang aktres sa pamba-bash na natatanggap kaugnay ng ipinost nito na pagbabaklas ng larawan ni Bea Alonzo sa hallway ng ABS-CBN. Tila naiyak siya sa mga basher.

Umani rin ng kontrobersya ang naging reaksyon niya sa isang online gossip website sa umano’y pagpapalaki ng isyu between her and Bea.

Wala namang paliwanag si Kim kung bakit napagtripan niyang kunan ang nasabing pagbabaklas sa photo ni Bea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.