Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim napa-wow sa tsokolateng pampaelya

0 79

NI: ARCHIE LIAO

Binisita ni Kim Chiu ang bahay ng pamosong dermatologist na si Dra. Vicki Belo.

Nagkaroon din siya ng pagkakataong i-raid ang laman ng fridge ng celebrity doctor.

Namangha ang chinita actress sa koleksyon ng imported chocolates ni Dra.Vicki.

Nadiskubre ni Kim na lover of European at American chocolates ang doktora.

May isang imported na tsokolate na nagkakahalaga ng 6 Euros or 360 pesos ang isang piraso na ikinawindang ni Kim.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Dra.Vicki, rekomendado niya ang pagkain ng black chocolates dahil sa high antioxidants nito na nakabubuti sa kalusugan.

Bukod sa pampa-happy, may mga chocolates din daw na anti-depressants.

Napa-wow naman si Kim sa sinabi ni Dra. Vicki tungkol sa chocolates na nagpapa-boost ng sexual life.

Maliban sa chocolate, meron ding koleksyon ang doktora ng imported butter.

Sa nabanggit na vlog, natanong din ni Kim si Dra. Vicki tungkol sa ilang facts at myths tungkol sa pagpapaganda.

Leave A Reply

Your email address will not be published.