Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim nasabik kay Xian

0 180

Na-miss nang husto ni Kim Chiu ang boyfriend na si Xian Lim habang naka-lock in ito sa Batangas para sa bagong proyekto.

Nag-post si Kim kahapon sa kanyang Instagram account ng larawan nila ni Xi at sa caption, she wrote, โ€œa๐—…๐—๐–บ๐—’๐—Œ ๐—๏ฟฝ๏ฟฝ๐—€๐–พ๐—๐—๐–พ๐—‹ ๐—‡๐–พ๐—๐–พ๐—‹ ๐–บ๐—‰๐–บ๐—‹๐—, ๐–ฌ๐–บ๐—’๐–ป๐–พ ๐—‚๐—‡ ๐–ฝ๐—‚๐—Œ๐—๐–บ๐—‡๐–ผ๐–พ, ๐–ป๐—Ž๐— ๐—‡๐–พ๐—๐–พ๐—‹ ๐—‚๐—‡ ๐—๐–พ๐–บ๐—‹๐—โ€ with matching hashtag na #IMY which means โ€œI miss you.โ€

Ilang araw na kasing nasa lock-in shooting si Xian para sa kanyang bagong movie na kanyang idinidirihe at makikita naman sa mga IG posts ni Xian kung gaano ka-supportive na girlfriend si Xian.

Sa IG Story ni Kim ay makikitang magkausap sila ni Xian via video call. Aniya sa caption, โ€œcongratulations on film direk. Canโ€™t wait to see the finish product! Hard work at its finest!!! Shempre canโ€™t wait to Xi You!!!โ€

Mukhang natapos na rin naman ang shooting ni Xian dahil sa latest post niya ay sinabi niyang last shooting day na raw nila sa Batangas.

Pero mami-miss na naman siya ni Kim dahil nakatakda ulit sumabak si Xian sa lock-in taping naman ng teleserye nila ni Jennylyn Mercado sa GMA-7 na โ€œLove Die Repeat.โ€ Ang alam namin ay last week of August ang start ng taping.

Jeric ayaw paniwalaan sa pag-deny kay Sheryl

Naging seryoso si Jeric Gonzales nang matanong sa virtual mediacon ng Daig Kayo ng Lola Ko kung hindi na ba siya nanliligaw kay Sheryl Cruz.

Diretsong sabi ng aktor ay never daw niyang niligawan si Sheryl at magkaibigan lang daw talaga sila.

Matatandaang nagkasama sa seryeng Magkaagaw ng GMA-7 sina Jeric at Sheryl at doon din nagsimula ang tsismis na nagkakamabutihan sila.

All throughout the series ay naging consistent ang tsika tungkol sa kanila at nagkaroon pa ng confirmation kamakailan lang na nanliligaw si Jeric kay Sheryl.

Nabuking ang panliligaw ni Jeric kay Sheryl sa vlog ng aktres last May kung saan ay tinanong niya ang kanyang Yaya Leni kung sino sa mga manliligaw niya ang inaaprubahan nito.

Sagot ni Yaya Leni ay si Anjo Yllana raw at Zoren Legaspi. Tanong ulit ni Sheryl, โ€œeh sa bago, sino?โ€

Sagot ni Yaya, โ€œJeric Gonzales!โ€ Napasigaw si Sheryl at hindi naman niya dinenay.

Hanggang ngayon ay ayaw pa ring tumigil ang tsikang may something sina Jeric at Sheryl at marami ang nagpapatunay na sila na nga. Ayaw rin nila paniwalaan ang pagdi-deny ni Jeric.

Maraming shippers sina Jeric at Sheryl kaya for sure ay madi-dissapoint sila sa pagde-deny ng aktor.

Anyway, si Jeric ang leading man ni Barbie Forteza sa bagong episode ng Daig Kayo ng Lola Ko titled Captain Barbie na magsisimula na ngayong Aug. 15.

Leave A Reply

Your email address will not be published.