Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim nasaktan na tawaging tanga

0 332

Dahil nga laging nagiging sentro si Kim Chiu ng pangba-bash, natutunan na raw ng aktres kung paano i-deal ang mga ito. Para na rin daw sa kanyang mental health.

“Last year was the super challenging year talaga for me to deal with those people,” sey ni Kim sa recent online interview ng ABS-CBN.

Obviously, ang tinutukoy ng aktres ay ang “bawal lumabas” remark niya na talaga namang nag-viral nang bonggang bongga.

Feeling nga raw niya, lahat ng gawin niya ay naka-microscope na. napapansin daw talaga lahat ng kanyang mali.

“For me, learn from your mistakes. And then take care of your mental health also, protect yourself from those people who can actually hurt you. Tao rin naman kami. ‘Pag may nagsasabi sa ‘yong, ‘Ang tanga-tanga mo,’ ang sakit-sakit naman.

“Pero iniisip ko na lang, hindi naman niya ako kilala. Bakit niya ako sasabihan ng ‘tanga’? Hindi naman tayo magkakilala, so bakit ka magkakaroon ng freedom to tell me those things? Nasi-segregate ko na ‘yung people who can actually hurt me and people who can just pass by,” she said.

Pero alam naman daw niya na walang madaling buhay at kasama talaga ang mga ulan at bagyo sa ating buhay. Sa 15 years niya sa showbiz ay napakarami rin daw niyang ups and downs na dinaanan.

“There is no easy life. ‘Di ba bago magka-rainbow, may ulan muna, may baha, may bagyo? So that’s part of it. ‘Yung showbiz career, parang life line — up, down, up, down — as long as it’s doing that, buhay ka pa, okay pa ‘yun,” sey pa ni Kim.

Andrea binawalan si Seth na manligaw sa iba

Aminado si Andrea Brillantes na nang dumating si Seth Fedelin sa buhay niya ay unti-unti niyang nakilala ang kanyang sarili.

“Masyado akong maaga napunta dito (sa showbiz) na hindi ko pa kilala ang sarili ko nu’n, I was only 7. Wala pa akong alam, kahit Math nga, hindi ko alam nu’n, eh.

SM food to go Banner Ad

“So, hindi ko kilala talaga kung sino talaga ako. Pero nang dumating si Seth, nabuo niya unti-unti. Nakilala ko talaga kung sino ako,” pagtatapat ni Andrea sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Interviewer Presents sa YouTube.

Ayon kay Andrea, for a while ay nakalimutan daw niya ‘yung panahong hindi pa siya artista .Si Seth daw ang nakapagpalabas nito sa kanya kaya sobrang espesyal daw sa kanya ng ka-loveteam.

Tinanong ni Kuya Boy si Andrea kung sasagutin ba niya si Seth sakaling manligaw ito sa kanya at sagot ng young actress, “kung sasagutin ko man po, siguro after 5 years pa po kami aamin. So, hindi ko muna masasagot ‘yan ngayon.”

When asked kung sa tingin ba niya ay maghihintay si Seth, sagot ni Blythe (real name ni Andrea), “opo, confident naman po ako.”

Napunta ang usapan sa mga selosan at sey ng dalaga, isa raw ito pinakaayaw niyang nararamdaman.

“Kasi, pag nagseselos ako, tito Boy, nararamdaman ko ‘yung puso ko, pumupunta sa bituka ko, ganu’n kasakit,” sey ni Andrea.

Malala raw siya magselos pero sa piling tao lang. At alam daw ni Seth kung sino-sino ang mga partikular na babaeng pinagseselosan niya. Kaya hindi raw nilalapitan ng aktor ang mga ito.

At dahil nga wala silang label ni Seth, natanong ni Kuya Boy kung hindi ba siya papayag na manligaw sa iba ang “special friend.”

“Ayoko,” sagot agad ni Blythe, “kasi tito Boy, ang commitment, commitment ‘yan. Hindi ka pwedeng mag-commit sa dalawa, dapat sa isa lang.”

Kaya ang sumunod na tanong ng TV host ay kung nag-commit na sila ni Seth sa isa’t isa.

“May usapan na po, tito Boy,” pag-amin niya. “And may usapan po kami tito Boy na magtutulungan kami parehas and parehas po kaming may goal and parehas kami na gusto naming sana, kasama namin ang isa’t isa na marating ang goal namin,” she added.

Leave A Reply

Your email address will not be published.