Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim nilaglag sina Gerald, Julia

0 178

NI: ALWIN IGNACIO

“Pagbukas mo rito, nandito si Julia Barretto…ay bawal ba?’ Iyan ang hindi sinasadyang maibunghalit ni Kim Chiu sa “It’s Showtime” segment na Mas Testing.

Kasi naman, ang naging parusa sa kanya ay i-like ang isang IG post ni Gerald Anderson. Bukas na aklat naman na may nakalipas na di na maaring balikan ang dalawa.

Nung una, medyo nag-aalangan pa ang Chinita Princess na gawin ang hamon sa kanya pero being the sport and game that she is, at sa kanya na rin mismo galing isang dekadang may tuldok at tandang pandamdam ang paghihiwalay ng dekolor at puti nila ni Anderson.

Inutos ni QueenBayot Vice Ganda na ang videos ni Papa Gege ang dalirutin ni Chui at yun na nga, in a nakakatuwang taklesa moment, hindi napigilan ni Kimmy ang pag-papakatotoo. Ang iniiwasan ng iba na mabanggit, walang prenong naibulalas ni Kim.

Ang resulta, siyempre pa tawang-tawa sina Ganda at Vhong Navarro. And after a few hours, kinabog ni Chiu ang pagiging trending topic ni Liz Uy!

Bakit trending si Uy? Huwag na nating pasikatin pa a lalo na nga’t hindi naman empowering at mas lalong hindi nakakatuwa kung bakit siya naging subject.

Sa hindi sinasadyang slip of the tongue ni Chiu, reresbak kaya si Julia Barretto dahil ang faux pax ni Kimmy, literally “outed” the relasyon that she has with Mr. Anderson?

Mananalig na ba tayo na Team Bea Alonzo ang babaing minsan ay naging ka-close rin ni Gerald?

Ang kaganapang ito, ang saya-saya! Dapat siguro maging entertainment talk show host itong si Kim dahil ang galing niyang bumanat. Joke time ang dating pero alam mong half-meant.

Leave A Reply

Your email address will not be published.