Kim palaban kahit patalikod

1,496

Hanep sa lakas ang dating ni Kim Cruz. Makikita ito sa kanyang latest Instagram post habang nasa Bali, Indonesia.

Suot ang one-piece na swimsuit, mag-iinit at mabubuhay ang dugo ng sinomang barako na makakakita ng alindog ni Kim. Actually, kahit nakatalikod ang 22 years old na dalaga, ibang klase ang lakas ng sex appeal niya rito. Na tipong seductive talaga at palaban kahit kanino ang kanyang porma sa naturang photo.

Dito’y kapansin-pansin din ang yummy butt ni Kim. Tila na-higlight nang husto ang bilog at nakausling pang-upo ng dalaga.

Sa mga kalalakihan na weakness ang mga babaeng biniyayaan ng matambok na wetpaks, winner talaga ang behind ni Kim. Wika nga ng iba, ang tipo ng ganyang babae, ‘Sa puwet pa lang ay solve ka na’.

Si Kim ay isang beauty blogger at dating VJ (video jockey) ng MYX, ang music channel ng ABS-CBN. Siya ay nag-aral sa Ateneo de Manila University. Si Kim ay kilala rin bilang girlfriend ng Kapuso actor na si Gil Cuerva.

Ang kaakit-akit na tindig ni Kim ay pansinin ng mga kalalakihan. Maka-tulo laway kasi ang alindog niya na kahit sinong barako ay hindi pagsasawaang pagmasdan. (Nonie Nicasio)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...