Abante Tonite Interactive

Kim parang bata na nakawala sa kural

By
3,664

 

Ang kukulit nina Kim Chiu at Bela Padilla na kasalukuyang nasa Hawaii ngayon para sa ASAP in Honolulu ngayong Sunday. Panay ang post nila ng IG Stories sa Instagram ng kanilang mga escapade at para silang mga batang nakawala sa kural habang nag-iikot-ikot doon at nagkukulitan.

May video sila na tumitingin-tingin ng kotse sa car showroom pero ang biro ni Bela, t-shirt lang daw ang bibilhin niya.

May time din na magkakasama silang lahat ng mga kapwa-ASAP stars at nagpunta naman sa zoo. Panay rin ang kulitan nila roon at halatang nage-enjoy sila.

Sina Kim at Bela ang magka-room mate bukod pa sa mag-best friends sila kaya sila talaga ang para­ting magkasama. May video rin na nakikitang nagsa-shopping sila, nagdyi-gym, naglalakad sa beach, naglalakad sa street. Sabihin pa, talagang nakapag-bonding sila nang husto.

Bukod kina Kim and Bela, nasa Hawaii din sina Piolo Pascual, Arci Muñoz, Toni Gonzaga, Robi Domingo, Iñigo Pascual, Julia Barretto, Joshua Garcia and Maymay Entrata. Moira dela Torre, Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Darren Espanto, Maja Salvador, Gerald Anderson, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla and Jake Cuenca, among others.
Makikita sa mga video na isine-share nila ang pamamasyal nila ang pag-e-explore sa naturang bansa.

Anne atat sa MMFF parade

Ang agang nag-promote ni Anne Curtis ng Metro Manila Film Festival 2018 entry niyang Aurora. The moment na inanunsyo last Friday na kasama sa apat na official entries ang nasabing pelikula ay kaagad na nag-post ang aktres ng poster ng movie at nagyayaya na sa MMFF parade.

“AURORA. Official entry of the Metro Manila Film Festival 2018.

Here’s a teaser of the film by @yamlaranas. From @aliudentertainment & @viva_films. See you sa parade #aurorathemovie #MMFF2018,” ang caption ni Anne.

Nagkataon namang nagkaroon na rin ng MMFF movie si Anne noong 2008 na Baler naman ang titulo kaya ang komento ng mga fans, dati raw ay Baler, ngayon ay Aurora na.

Wala pang gaanong detalyeng ibinibigay ang Viva Films kung sino ang makakasama ni Anne sa nasabing movie at ang confirmed pa lang ay siya at ang direktor na si Yam Laranas.

Hataw ngayong taong ito sa pelikula ang aktres dahil nakakatatlo na siya. Ang una ay ang blockbuster ‘Sid and Aya’, pangalawa ay ang ‘Buy Bust’ na malapit na ring ipalabas at pangatlo ang ‘Aurora’