Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim pinalayas ng ate: Minadali niya talaga akong umalis

0 682

Mala-eksena sa drama ang naging moment ni Kim Chiu nang paalisin siya ng kanyang ate sa kanilang tahanan.

Mag-isa ngayon sa condo unit ang Kapamilya actress dahil isa sa kanilang kasamahan sa bahay ang tinamaan ng virus.

“Kumalat na yung virus sa bahay namin. Yung isa sa mga angels namin is nagkaroon siya [ng COVID],” lahad ni Chiu sa kanyang latest vlog.

“Yung ate ko, nag-decide siya na, ‘Exit ka na kasi meron ka pang ‘Showtime’, baka mahawa ka,’” kuwento pa niya.

Gusto niya sanang manatili sa bahay at mag-quarantine na lang sa kuwarto, ngunit hindi pa rin pumayag ang kanyang ate. Airborne kasi ang sakit.

“Minadali niya talaga akong umalis bago pa kumalat sa buong bahay namin [yung virus],” sey pa ng aktres.

Para sa kanyang safety at makapagpatuloy ng taping sa ‘ASAP Natin ‘To’ at ‘It’s Showtime’ ay solo muna si Kim sa kanyang condo. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.