Abante Tonite Interactive

Kim pinalayas sa premiere night ng ‘Granny’

By
1,816

Pinaalis ng upuan si Kim Chiu sa premiere night ng ‘Miss Granny’ nu’ng Lunes na may viral video ngayon sa social media.

Dumating siya para suportahan ang kanyang rumored boyfriend na si Xian Lim. Isa si Xian sa bida ng pelikula kasama sina Sarah Geronimo at James Reid under Viva Films.

Nakaupo na si Kim sa loob ng sinehan nang paalisin siya ng isang makulit na fan. May seat number ang hawak niyang ticket at upuan daw niya ‘yun.

Nu’ng una ayaw raw umalis si Kim at mga kasama dahil doon siya pinaupo ng Viva staff.

Pero ayon sa aming source, pinalipat din ito.

Isa pang intriga sa premiere night ng ‘Miss Granny’ ay kung bakit wala si Matteo Guidicelli.

Ang mga partner ng mga bida ay nandoon gaya ni Nadine Lustre para kay James at si Kim para kay Xian. Bakit daw inindiyan ni Matteo si Sarah? May conflict daw ba sa schedule niya o binawalang pumunta?

Anyway, showing na ngayon ang ‘Miss Granny’.