Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim ‘pinarusahan’ ng Showtime

0 281

Mula nang ma-post ang puna ng ibang netizens tungkol sa pagbawas ng exposure ni Kim Chiu sa It’s Showtime, panay na ang emote ng kanyang mga fan sa social media.

As of press time ay sunud-sunod ang mga post ng fans ni Kimmy sa Twitter at IG tungkol sa suporta nila sa aktres.

Sey nila, “Ang saya araw- araw kapag napapanood si Kim Chiu sa It’s Showtime. “

Isa pang post nila ay, “as masaya kapag si Kimmy ang isa sa segment host.”

Bakit kaya may mga ganitong post ang mga fans ng Chinita Princess? Nagsimula ito mula nu’ng Sabado kung saan napansin ng viewers na wala halos spiels ang aktres pero naroon naman siya sa nasabing show.

May mga nagtatanong ngayon na hindi kaya may nagawang kasalanan si Kim at ‘pinaparusahan’ ngayon ng It’s Showtime?

Bukas ang panig ni Kim at ng It’s Showtime para sa ikalilinaw ng isyu.

Arjo nega na sa virus

SM SuperKidsDay Banner Ad

May recent post si Sylvia Sanchez sa kaniyang Instagram account ng art card na ” I just want to say Thank You Lord.”

Kaya naman tinanong namin ang malapit na tao sa kanya tungkol sa kalagayan ng anak na si Arjo Atayde na naka-confine pa din sa Cardinal Santos Hospital. Sabi ng aming kausap ay nag- negative na ang aktor sa kanyang latest swab test kahapon.

Matatandaang few weeks ago ay naging kontrobersyal ang aktor sa pagpopositibo sa Covid habang nasa shooting ng pelikula sa Baguio.

Janus pumiyok sa bakla isyu

Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay guest niya ang naging kontrobersyal na si Janus del Prado.

Isa raw sa mga ginagamit na paninira kay Janus ay ang pagkakaroon umano niya mental issue. Hindi naman itinatago ng aktor na may ADHD siya kung saan may problema siya sa reading comprehension.

“Kung gagamitin niyo sa akin yan kayo ang magmukhang masama. Yung sinasabi niyong bakla ako kaya galit na galit ako kay G so homophobic ako? Ang bakla yun ang habol?”

Dagdag pa niya, ” Kung aatakihin niyo yung tao huwag kayong gagamit ng kapansanan ng iba o gender identity ng iba.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.