Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim proud kay Xian sa Miss World PH

0 137

Proud girlfriend si Kim Chiu kay Xian Lim dahil sa bagong oportunidad na dumating sa aktor.

Si Xian ang napiling mag-host ng Miss World Philippines 2021 na mapapanood sa GMA-7. Pero mapo-postpone ang coronation night na dapat ngayong Sunday dahil sa paghihigpit sa mass gathering.

Sa Instagram post ni Xian ay ipinakita ni Kim ang kanyang pagiging supportive girlfriend as always. Kinong-gratulate niya ang aktor na ikinakilig na naman siyempre ng mga KimXi fans.

Puring puri naman ng mga fan ang pagiging supportive eversince sa boyfriend.

“Feel namin you’re sooooproud of your mrRight!!👏👏👏thanks Kimmy🌸…the VerySupportive girlfriend EVER!!💏💪👀💪luv ya sweeties!!!💕” komento ng isang fan na obvious na kinikilig.

Ang dami ring nagkomento na “chiupportive” girlfriend daw si Kim na kuha mula sa kanyang apelyido ang simula ng word.

Anyway, hindi ito ang unang pagkakataon na nakapag-host si Xian ng beauty pageant. Nag-host na siya before sa BB. Pilipinas at Miss Grand International.

Samantala, tuloy na tuloy na rin ang first teleserye ni Xian sa GMA-7 opposite the Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado and in fact, sasabak na sila sa lock-in taping ngayong Agosto.

Nico bininyagan ng GMA

Hindi maiwasang maging emosyonal ni Nico Antonio nang mabasa ang script para sa fresh episode ng GMA weekly drama anthology na Magpakailanman.

Si Nico ang bibida sa episode ng MPK na pinamagatang “From Russia With Love: The Eric Baylosis/Anna Rabtsun Baylosis Story. At first time na makikita siya sa screen mula simula hanggang wakas.

“First time ever na nangyari sa akin ‘yung ganito. Kaya I am very grateful sa GMA for this opportunity,” ani Nico.

Ang kuwento ng naturang episode ay tungkol sa kwento ng isang simpleng Pinoy na napaibig ang isang Russian model.

Aminado nga rin si Nico na talagang may pressure sa kanya na lalong galingan ang kanyang pag-arte.

Mapapanood na ngayong Sabado, July 24, 8pm ang From Russia With Love. Kasama rin dito ni Nico si si Max Collins na gaganap na kanyang asawa habang si Don Michael Perez ang director ng episode.

Aside from Magpakailanman ay may isa pang ginagawang malaking bagong series si Nico sa GMA-7.

Sa mga nagtatataka kung bakit sa GMA-7 na mapapanood si Nico, freelancer na ngayon ang aktor sa ilalim ng management nina Becky at Katrina Aguila. But of course, labis ang kanyang pasasalamat sa Star Magic at ABS-CBN, na nagbigay ng break sa kanyang talent bilang aktor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.