Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim pumalag sa tanga

0 184

Ginaya ni Kim Chiu ang vlog ng boyfriend na si Xian Lim. Sinagot din niya ang mga mean comments ng netizens sa kanyang latest You Tube video. Bilang pagse-celebrate na rin daw ito ng 2 million subscribers niya sa kanyang YT channel since marami raw ang nagre-request nito sa kanya.

“In this video, mag-celebrate tayo ng mga hate messages or hate comments,” aniya. “Kasi wala lang, gusto ko lang saktan ‘yung self ko ng very little.”

Siyempre, isa sa sinagot niya ay ang parating sinasabi sa kanya ng mga tao na tanga siya na nagsimula nga sa “classroom statement” niya noon.

“Grabe naman maka-tanga. Naka-graduate naman ako, ah. Saka naka-graduate ako with honors, saka name-memorize ko ‘yung lines ko, and ‘yung dance ko, and ‘yung song,” sey ni Kim sa malambing na tono.

Dagdag pa niya, “wala namang tanga. Sadyang may mga tao talagang nagkakamali lang. Di ba? Saka ‘yung mga pagkakamali na ‘yun, it will help you grow. It will thicken your character in life, it will make you strong. ‘Yung mga pagkakamali natin, kaya tayo binigyan ng mga pagkamamali para matuto tayo. So, huwag tanga agad.”

Sinagot din niya ang comment na duwag daw ang mga artistang tina-turn-off ang comment section sa social media. Of course this is pertaining to her dahil may time talaga na ginagawa niya rin ito.

“Grabe, hindi ba pwedeng gusto ko lang mag-share ng ginagawa ko or gusto ko lang maka-inspire ng mga tao sa ginagawa ko? And gusto ko lang ikwento ‘yung mga ginagawa ko.

“Parang ganu’n lang naman siguro ‘yung mundo ng social media. Gusto nating mag-share ng kung ano ‘yung gusto nating i-share sa mga tao. Hindi naman lahat sine-share natin.

“So kaming mga celebrities, natutuwa kami na i-share ‘yung kung ano ‘yung hindi n’yo nakikita on cam. So with the use of Instagram, Twitter, YouTube, lalo na ang YouTube.

“Dito n’yo nakikita ang totoong kami. And kung i-turn-off man namin ‘yung comment section namin. ‘yun ay tao rin naman kami,” mahabang paliwanag ni Kim.

Minsan daw ay nagiging dahilan pa ito para mag-away-away ang mga fans.

“’Yung mga mahal ka at hindi ka mahal, pinag-aaway-away mo dahil du’n sa comment box. Ikaw pa ‘yung nagla-light ng fire para mag-away-away ang mga tao. So, might as well, patayin mo na lang ‘yung comment box,” sey ni Kim.

Willie sinita ang mga burarang dancer

SM food to go Banner Ad

Nasermunan ni Willie Revillame ang kanyang mga dancers na nagkalat ng mga costume nila pagkatapos ng opening dance number sa Wowowin. Pero of course, pabiro lang naman ang kanyang pagtalak at hindi naman siya nagalit nang seryoso talaga.

Napansin kasi ni Willie ang mga nagkalat na damit ng mga dancers sa sahig habang nagsasalita siya oncam.

“Sino ba ang mga nagkalat nito,” puna niya. “Ano bang mga kalat ‘yan?”

Ang mga naturang damit ay ginamit ng mga dancer sa opening number na hinubad nila.

“Oy, kunin n’yo nga ‘yan, nagkakalat kayo dito! Palinis ako nang palinis. Kunin n’yo,” natatawang utos niya sa mga dancers.

Tumalima naman ang mga dancer at pinasuot ulit sa kanila ni Willie ang long dress.

“Conservative ako. Ayoko ng ganyan. Ibalik n’yo, hindi maganda ‘yang ganyan. Magmula ngayon ayoko ng mga ganyang opening number,” sita pa niya.

Natatawa namang isinuot muli ng mga dancers ang damit.

Jessy, Luis tsumika ng kasal kay Vilma

Ang daming natuwa sa Instagram post ni Star for All Seasons Vilma Santos last Sunday. Nag-upload siya ng larawan kasama ang magdyowang sina Luis Manzano at Jessy Mendiola na binisita siya para personal siyang batiin sa kanyang kaarawan. Kasama rin sa photo ang isa pa niyang anak na si Ryan Recto.

“Post-birthday visit… Thank you guys! I love you,” ang simpleng caption ni ate Vi na nagdiwang ng kaarawan last Nov. 3.

Comment ng mga fan, kasal na lang daw talaga ang kulang kina Luis at Jessy dahil you could tell na talagang part of the family na ang aktres.

Matatandaang nagsalita si ate Vi na “very soon” na raw ang paglagay sa tahimik ng kanyang panganay na anak at ang gusto niyang birthday gift sana from Luis and Jessy ay apo.

Isa kaya sa pinag-usapan nila that day ang kasal?

Leave A Reply

Your email address will not be published.