Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim Seon Ho bibida sa unang pelikula

0 60

Taon talaga ng South Korean actor na si Kim Seon Ho ngayon.

Pagkatapos niyang sumikat bilang second lead sa K-drama na “Start-Up!” sunod-sunod na nga ang mga offer, endorsement at project na kanyang ginagawa.

Known as “Good Boy” in Start-Up, kasalukuyang pinapalabas ngayon at napapanood sa Netflix ang bago niyang drama na “Hometown Cha-Cha-Cha” katambal si Shi Min Ah.

At sa apat na episodes pa lang na naipapalabas, silang dalawa na ni Shi Min Ah ang ang nasa Top List of Most Buzzworthy Drama Actors.

Ngayon naman, mula sa Film Industry ay inulat na diumano’y nagdesisyon na raw si Seon Ho na gumawa ng kanyang kauna-unahang pelikula. Bida na nga raw ito sa kanyang first film, ang “Sad Tropics.”

Tungkol daw ito sa isang lalaki na may Korean father at Filipino mother. At pangarap daw nito na maging boxer. Pumunta siya ng Korea para makilala ang kanyang ama na umabandona sa kanya. In the process, he meets bad guys at naranasan nito ang iba’t-ibang situwasyon.

Ang magiging director ng pelikula ay ang producing director (PD) Park Hoon Jung na siya rin nag-produce ng mga hit movies tulad ng “New World,” “V.I.P,” at “The Witch: Part 1. The Subversion.”

Wala pang kumpirmasyon sa agency ni Seon Ho na Salt Entertainment.Pero ayon sa mga ito, pinag-aaralan daw ng actor ang offer.

At kung sakali, base sa storyline na Pinay ang nanay niya sa kuwento, hindi kaya malaki ang posibilidad na mag-shooting ang actor sa Pilipinas?

Sa isang banda, he really is one of the busiest now. Ongoing ang filming niya para sa Hometown Cha-cha-cha at sa kanyang variety show na 2D1N.

Leave A Reply

Your email address will not be published.