Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim Seon Ho ‘di aalis sa 2D1N

0 139

“Salamat sa “Start-Up!,” ang posibleng maging litanya ni Kim Seon Ho.

Dahil sa drama na ito ay biglang sumikat ang aktor bilang second lead. Pinagbibidahan ito nina Bae Suzy at Nam Joo Hyuk. Nasa finale week na rin ito.

This week alone, si Kim Seon Ho halos ang pinag-uusapan. Kuhang-kuha rin niya ang sympathy at kilig mula sa mga manonood.

Bukod dito, nanalo rin siya ng special award sa katatapos AAA (Asian Artist Award) as Best Emotive Award.

At sa monthly Brand Reputation Award, naungusan pa niya ang bida mismo ng drama nila. Si Seon Ho ang number 1 sa ranking in-terms of Brand Reputation Award.

Hindi nakapagtatakang sunod-sunod ang magiging endorsements niya ngayong tapos na nilang gawin ang Start-Up

Pinag-usapan din sa kanyang weekly variety show na 2D1N ang popularity niya. At dito nga niya binigyang linaw na walang katotohanan ang balitang magli-leave na siya sa show dahil sa biglang pagsikat.

“Thank you to all the people who expressed concern and comfort after I cried on the show. I read all the comments that you wrote.”

Biniro naman si Kim Seon Ho ng ilang members na solo show raw ba niya ang episode na yun. Pero tuloy-tuloy lang niyang in-address ang audience ng 2D1N na gustong malaman kung totoong iiwanan na niya ang variety.

Sey niya, “I actually cried again while reading the comments. And before that episode, there were a lot of comments asking me not to leave the show. I’m going to outlast all these people here. I’m going to hang on until the bitter end and never let this go.”

At dahil sa tinuran ni Seon Ho, maging ang staff ng show ay natuwa at na-relieve na wala itong planong mag-leave.

Leave A Reply

Your email address will not be published.