Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim Seon Ho nasapawan si Nam Joo Hyuk

0 166

Pinag-uusapan ngayon ang tvN’s drama sa South Korea na “Start-Up”. Napapanood din ito sa Netflix Ph.

Nasa episode 13 na ito kaya ilang episode na lang at mapapanood na ang finale. Nakapag-taping na rin ang cast ng huling episode nila.

Pinagbibidahan ang Start-Up nina Bae Suzy, Nam Joo Hyuk at Kim Seon Ho.

At sa dalawang leading men ni Suzy, si Kim Seon Ho ang masasabing bagong love ngayon ng mga k-drama fan.

Marami ang nai-in-love at mas nagkakagusto sa character ni Seon Ho as compared sa first lead na si Nam Joo Hyuk. Kahit sa bansa, si Seon Ho ang mas pinag-uusapan at “bagong favorite.” Mas marami rin ang nagsi-ship kay Suxy at Seon Ho. Pero marami rin naman ang nakapansin na mas nag-improve raw ang acting ni Joo Hyuk sa drama na ito.

Sabi sa comment ng mga netizen tungkol sa Start-Up at kay Seon Ho, “Second lead syndrome is so strong!”

Taong 2009 pa nagsimula ang 34 year old na si Seon Ho at last year, naging full-time cast member na siya ng season 4 ng variety show na 2D1N.Pero tila ngayon lang talaga siya sa Star-Up nabibigyan ng pansin at nag-iingay.

Sa interview ni Seon Ho sa latest issue ng Esquire magazine, tinanong siya about his good look, pero ayon dito, hindi siya naguguwapuhan talaga sa sarili, lalo na raw if compared to his co-star, Nam Joo Hyuk.

Aniya, “I’m honestly not handsome though although I am very thankful that you say that…like Nam Joo Hyuk is someone who is very attractive. When I first saw him, I thought he came straight out of a manhwa (Korean comic book). There are so many other handsome people.”

At sa tanong kung ano ang masasabi sa kanyang popularidad ngayon, sey niya, “I don’t really feel the response because I’m just busy filming all the time these days. However, when directors and senior actors who I previously worked with or friends contact me to say I’m doing well, it’s really heart-fluttering and makes me feel good.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.