Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim Seon Ho todo sorry sa scandal

0 47

Sa unang pagkakataon, pagkatapos ng mahigit kalahating taon, ngayon na lang muli “nagparamdam” si Kim Seon Ho sa kanyang mga tagahanga.

Nag-celebrate ng kanyang ika-36th birthday si Seon Ho noong May 8.

Pero day before that, bigla itong nag-post sa kanyang Instagram account ng open letter para sa mga fan niya.

Nakasaad sa kanyang Instagram post;

“I’m sorry that I’ve made you go through difficult times because of my shortcomings… thank you for celebrating my birthday this year as well and sending me more birthday wishes than I deserve. I will remember the precious feelings you’ve expressed to me, and I will become an actor that can repay your support and encouragement.”

Masayang-masaya naman ang mga fan niya at wine-welcome ito. May ilang nagsabi pa na bakit daw ito nagso-sorry, abswelto naman na sa sinasabing scandal.

Sa ngayon, tinatapos na ni Seon Ho ang kanyang comeback or rather, first movie na “Sad Tropics.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.