Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim, Sharon, Liza dismayado sa pagsasara ng TV Plus, Sky Direct

0 1,006

NI:VINIA VIVAR

Labis na ikinalungkot na naman ng mga Kapamilya stars ang bagong cease and desist order na ini-release ng NTC (National Telecommunications Commision) last Tuesday na ipinatitigil ang broadcast ng Sky Direct ng Sky Cable at TV Plus channels.

Nagsipag-post sila sa kani-kanilang Instagram account para ipahayag ang kanilang nararamdaman.

“Minsan mapapaisip ka na lang talaga. Gusto mo magsalita pero di mo magawa. May takot, kaba, trauma….Nakakalungkot na pinagdadaan ng lahat na kapamilya ito.

“Ayaw ko man isipin pero parang personalan na…wala akong tinutukoy, eto lamang ay nasa isip ko lang….grabe lang. Grabe,” ang post ni Kim Chiu.

Sa post naman ni Zsa Zsa Padilla ay sinabi niyang hindi niya napigilang umiyak sa napakalungkot na balita lalo pa nga’t kababalik lang niya sa taping ng Love Thy Woman.

“Hindi ko na talaga mapigilang umiyak. Pasensya na. Galing ako sa first taping day ko after lockdown. Napakaraming pagbabago… at lahat ginagawa namin para maihatid sa inyo ang Love Thy Woman.

“Pero itong balitang ito… napakasakit. Nakapanlulumo. Lord Jesus, bigyan nyo po kami ng lakas para ipagpatuloy ang aming trabaho. Gabayan nyo po sana lahat ng kasamahan ko sa Kapamilya Channel. Kayo na po ang bahala sa amin,” pahayag ni Zsa Zsa.

Inirepost ni Sharon Cuneta ang statement ni Zsa Zsa at sa caption, aniya, “I am so, so sorry, KAPAMILYA… There are just no words.”

Nag-post naman si Regine Velasquez ng black screen na may nakalagay na iconic colored heart ng ABS-CBN na red, green and blue, lamang ay broken hearts emoji ang kanyang ginamit.

“Dont worry, Idol matatapos rin to. Mas marami pa rin naman sa congress ang in favor sa ABS CBN franchise renewal. For sure mas malaki ang balik sa abs cbn nito. Si God na bahala magparusa…. And parang tnatakot lng nila abs cbn habang nasa hearing pero bbgay pa rin franchise para hnde na nila kalabanin govt. Laban kapamilya,” pahayag ni Asia’s Songbird sa caption.

Ganito rin ang photo ng mister niyang si Ogie Alcasid at sa caption ay nilagyan niya ng tatlong praying hands emoji.

Tweet naman ni Bianca Gonzalez, “#PleaseDontShutDownTVPlus Ito nalang ang main source ng news at entertainment namin dito sa bahay at paraan para maka-cope sa quarantine. Please, please, please,” at nilagyan ng katakot-takot na praying hands emoji.

Tweet pa ulit ni Bianca, “Ang Jeepney TV, Teleradyo, Asianovela channel ang nakakapagbigay saya sa mga tao dito sa bahay mamula nung nawala ang ABS-CBN nung May 5.. ngayon naman.. ito..”

Nag-post din siya ng picture ng screen niya sa TV nang mawala na ang signal ng Kapamilya channel at sa caption, aniya, “yung naramdaman ko nung May 5, naramdaman ko ulit” with broken heart emoji.

May 5, 2020 nang ipatigil ng NTC ang pagsasaere ng ABS-CBN.

Tweet naman ni Karen Davila, “Pure harassment. Bakit po ganon? Ang mga ibang media company pinayagang mag-operate habang dinidinig ang prankisa nila sa kongreso, ang ABSCBN pinatitigil?”

Nag-post din si Iza Calzado ng picture ng “no signal” ng Kapamilya at sa caption, she wrote, “hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko” with broken heart emoji at hashtag na #IbalikAngABSCBN.

Sa Twitter naman nagpahayag ng kanyang saloobin si Liza Soberano.

“How come there’s so much time being spent on bringing ABS-CBN down but little to no time figuring out ways to help our kababayans who are struggling during this pandemic, kasi naka GCQ parin tayo?????” tweet ni Liza.

Tweet naman ni Agot Isidro, “Kung ako ABSCBN, migrate ako sa YouTube. Marcoleta, kalabanin mo YouTube. Padalhan mo ng smoke signals, baka umabot sa California.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.