Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim sinabunutan ni Bela

0 155

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang vlog, nagpaligsahan sina Kim Chiu at Dani Barretto kung sino ang higit na nakakakilala sa kanilang kaibigang si Bela Padilla.

Sa episode na “Who Knows Bela Better: Kim vs. Dani,”naghanda sila ng set of questions . Magbibigay sila ng opinyon ayon sa pagkakilala nila sa aktres.

Sa vlog, nagpagalingan ang dalawa sa pagsagot sa mga tanong hinggil kay Bela.

Sa tanong, kung anong hayop ang kinatatakutan ni Bela, nakaiskor si Dani nang sabihin niyang afraid si Bela sa frogs.

Sumablay naman si Kim sa pagsasabing dogs. Tungkol naman sa first endorsement ni Bela, parehong mali ang naging answer nina Kim at Dani.

Sa question naman kung sino ang unang boyfriend ng aktres, natumbok nang dalawa ang tamang sagot na ito ay si Jason Abalos.

Iniisa-isa rin ng dalawa ang mga pelikulang ginawa ni Bela kasama ang favorite leading man niyang si JC Santos, kasama na ang first directorial job nito na 366.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa tanong naman sa dream leading man ni Bela, pumuntos si Kim nang sagutin niyang ito ay walang iba kundi ang American singer-songwriter at actor na si Harry Styles.

Hinggil naman sa first directorial job ni Bela sa isang music video, nakuha ni Kim ang tamang sagot na ito ay ang Paraluman.

Sa nakakaintrigang tanong naman, kung sino ang huling nobyo ni Bela bago ang present Swiss-Italian boyfriend nitong si Norman Ben Bay, isinigaw ni Kim na walang iba raw ito kundi si Zanjoe Marudo.

Sa inis, hindi naman nakapagpigil si Bela at sinabutan si Kim.

Pagkatapos, nilinaw ng aktres na never niyang naging boyfriend si Zanjoe.

Sa huli, nanalo si Dani dahil siya ang nakakuha ng pinakamaraming tamang sagot tungkol kay Bela.

Labis namang kinaaliwan ng netizens ang kulitan ng magkakaibigan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.