Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim sinita ni Xian

0 265

NI: ARCHIE LIAO

Kahit niloob ng mga magnanakaw ang kanyang bahay kamakailan, pilit namang gumagawa ng paraan si Xian Lim para maka-get over sa mga pangyayari.

To save his day, nariyan ang kanyang girlfriend na si Kim Chiu para magbigay sa kanya ng inspirasyon sa kabila ng hindi kaaya-ayang insidente ng panloloob sa kanyang tahanan.

Gayunpaman, dagdag na pampalubag-loob sa kanya na ligtas ang kanyang pamilya sa nangyaring nakawan.

Sa Instagram post ni Kim Chiu, ibinahagi niya ang seksing litrato niya habang nakahilig sa isang puno at ini-enjoy ang peaceful vibe sa beach.

May caption itong ” I miss waking up by the beach while having a cup of coffee.”

Nagkomento agad si Xian sa photo ng nobya na umani ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizen.

Sita ni Xian:” Ayan ka na naman, mag blouse ka nga!”

Sumagot naman si Kim na : @xianlim, ikaw ang nag-picture nito di ba?

Hirit tuloy ng ilang netizens, umandar daw ang pagiging conservative ni Xian dahil type nitong solohin si Kim at ipagdamot sa iba.

Ang iba naman ay na-amuse sa umano’y pagseselos ni Xian sa chinita actress na kunwari’y imbey sa pagpapasilip ng girlfriend.

Sa Boracay nag-spend ng Christmas vacation si Xian kasama si Kim at ang pamilya nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.