Abante Tonite Interactive

Kim sinuntok si Kourtney

567

Nagsabong ang magkapatid na sina Kim Kardashian at Kourtney Kardashian sa kanilang reality show na “Keeping Up With The Kardashians”. Madalas na magtalo ang magkakapatid pero matindi ang eksena sa teaser na inilabas ng E!News.

Sa video na ibinahagi sa Instagram, nagtatalo ang magkapatid at bigla nalang binato ni Kourtney si Kim.

“You have nothing to say! Don’t ever come at me like that,” ani Kim bago niya sinuntok ang kapatid sa mukha.

Halo-halo naman ang reaksyon ng mga netizen .Naging katawa-tawa ang eksena para sa iba. Hinala kasi nila na peke lamang ang palabas para maka-generate ng views ang kanilang reality show.

Komento nila,

@drea_972, “why does this look staged?”

@call.me.rache, “when they don’t have anything new. Let’s fight.”

@orealclarissa, “Omg. This is horrible.” (Rona Avecilla)