Abante Tonite Interactive

Kim Soo Hyun lalabas na sa military service

285

Sunod-sunod na ang mga male Hallyu stars na naglalabasan mula sa kanilang mandatory military service.

Halos magkasunod lang nang lumabas sina Lee Min Ho at Ji Chang Wook.
At sa July 1, kumpirmado na rin ang paglabas mula sa military ni Kim Soo Hyun.

Naging popular ito nang gawin niya ang K-drama na “My Love From the Star” na ini-adapt na ng GMA-7. Nakarating na rin sa bansa si Soo Hyun nang magkaroon ito ng fan meeting.

Noong October 23, 2017 pumasok sa military si Soo Hyun at isa ito sa mga male actor na may magandang record as an active duty soldier.

Dapat ay sa 4th class soldier lamang siya naka-assign dahil sa heart condition niya noong bata, pero ito raw mismo ang nag-request ng re-examination dahil sa kagustuhan niya ngang makapag-serve as active duty soldier. From 4th class, nalipat siya sa 1st class.

Bukod dito, nagpakita rin si Soo Hyun ng husay habang nasa loob ng military. Ginampanan din nito ang mga high-risk missions tulad ng pagiging bahagi ng 1st division sa Military Demarcation Line at sa Sou-thern Line. Bukod tanging 0.1 soldiers lang daw ang napipili sa ganitong division.

Sigurado namang matutuwa ang mga tagahanga ni Soo Hyun dahil kahit nasa military pa ito, binalita ng kanyang agency, ang Key East na pumirma na ito bilang exclusive endorser ng isang beauty brand.

Kaya paglabas daw nito, siguradong magiging abala na bilang model ng naturang beauty brand. Bukod dito, pinag-aaralan na rin daw ng actor ang iba’t ibang drama at film projects na inaalok dito.

Katulad ng ibang male actors na lumabas mula sa military service, expect na balik entertainment agad si Soo Hyun paglabas nito.