Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim Soo Hyun walang farewell party sa taping

0 323

Noong July 31 na nagtapos ang filming ng “It’s Okay to Not Be Okay”. Ito ay comeback ng Hallyu star na si Kim Soo Hyun, kasama ang Korean actress na si Seo-Ye-Ji.

At kahit na normal na nakapag-filming ang cast at production sa 16 episodes ng drama sa iba’t-ibang locations sa South Korea sa panahon ng pandemia, iniwasan pa rin nila ang usual wrap-up party.

Tradisyon na kapag nagla-last filming day, ang kasunod nito ay ang farewell party o wrap party na magsasama-sama ang buong production with the whole cast.

Maaaring dahil na rin sa ilang pangyayari na talagang naba-bash at kini-criticize ang mga celebrities na malalamang nagpa-party o nagba-bar pa, nag-decide ang It’s Okay Not to Be Okay na huwag na itong gawin. Though, medyo nalungkot ang fans dahil isa rin ito sa inaabangan nila sa mga sinubaybayang drama.

Nagpasalamat na lang ang producer ng drama na kahit ine-expect na raw nito na baka mas mapahaba ang filming dates nila dahil nga sa COVID-19, nakatapos pa rin sila sa naka-schedule na date.

At ayon sa production, “It’s Okay to Not Be Okay” will not be holding a wrap party due to the ongoing COVID-19 pandemic. Out of consideration for the cast and crew’s safety, we are not planning to hold a wrap party.”

Sa August 9 na mapapanood ang finale episode ng It’s Okay To Not Be Okay, kunsaan, ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ay isa rin sa mga nanonood nito.

Kung pagbabasehan ang recent tweet nito na may hashtag na ItsOkayToNotBeOkayEP13 which means, updated si Alden hanggang sa huling episode na umere.

Leave A Reply

Your email address will not be published.