Abante Tonite Interactive

Kim Soon Hyun patok sa finale ng ‘Hotel de Luna’

291

Ang lakas ng impact ng pagka-cameo role ni Kim Soo Hyun sa finale episode ng tvN’s “Hotel de Luna”.

Ang “Hotel de Luna” ay pinagbidahan ni IU.

Grabe ang demand na magkaroon ng part 2 ang drama, this time, “Hotel Blue Moon” naman daw with Kim Soo Hyun as the lead.

Dahil dito, a source from tvN issued a statement regarding a possibility of part 2. It says, “We haven’t discussed anything about a second season yet and it’s difficult for us to give an answer on whether there will be a second season or not because the staff hasn’t ever discussed the possibility of a second season.

“We believe this is an expression of our viewers’ love and support for the drama so we are grateful for it.”

Ang last episode ng “Hotel De Luna” ay nagtala ng 12 percent in viewership ratings as it came to an end. This is not only the highest ratings for the drama itself, but the highest ratings recorded by a tvN drama this year.

Hindi rin nakapagtataka ang ipinapakitang interes ng mga tao kay Soo Hyun dahil sa pagka-miss dito. Kalalabas lang niya mula sa mandatory military service noong July 1 at so far, namimili pa raw ito kung ano ang potential drama na una niyang gagawin.

Si Kim Soo Hyun ay malapit sa director ng “Hotel de Luna”. Ito rin ang nagdirek ng “My Love From the Star” na mas umangat ang kasikatan niya.