Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim suportado paglipat ni Xian

0 158

Late ang birthday greetings ni Kim Chiu para sa boyfriend na si Xian Lim. July 12 ang kaarawan ng aktor pero kahapon lang nag-post si Chinita Princess ng kanyang pagbati.

Of course, sa socmed lang naman late si Kim dahil magkasama naman sila ni Xian sa araw mismo ng kaarawan nito and for sure, paulit-ulit niyang binati ang boyfriend in person.

Sa mensahe ni Kim para kay Xian, sinabi ng aktres na lagi siyang nasa likod ng aktor para suportahan ito. And of course, hindi man diretso, kabilang na rito ang paglipat ng network ng boyfriend.

“Happiest birthday to the person who always puts a smile on my face ever since🥰 Thank you for being you and for being so selfless and understanding!❤️

“Wishing you nothing but the best in everything that you do because you truly deserve it. Lagi lang ako nandito sa likod mo, supporting you every step of the way. Thank you again and again and again!😘😘😘 Happy birthday, b!!!💋” ang sweet message ni Kim for Xian.

Sa huli ay may pahabol ding paliwanag ang aktres kung bakit late ang kanyang birthday greetings.

“Put down my phone yesterday, just enjoyed the moment!!!❤️🎂🌊 happy birthday @xianlimm ❤️❤️❤️,” paliwanag ni Kim with matching hastag na #ily which means “I love you.”

Sa out of town nag-celebrate ng kanyang 32nd birthday si Xi kasama si Kim at mga kaibigan base sa kani-kanilang post. Makikita rin na nagkaroon ng celebration sa yate at masayang-masaya ang birthday celebrant.

SM food to go Banner Ad

Richard sinundan ang pamilya sa Switzerland

Sinundan ni Richard Gutierrez ang kanyang asawang si Sarah Lahbati at dalawang anak sa Switzerland . Dahil dito,masayang-masaya sila dahil reunited na sa wakas ang kanilang pamilya.

Matatandaang naunang umalis si Sarah kasama ang dalawa nilang anak na sina Zion and Kai para bisitahin ang kanyang ama na mahigit isang taon din niyang hindi nakita because of the pandemic.

Hindi nila nakasamang lumipad si Richard pero ‘yun pala ay naka-schedule naman siyang sumunod. Dumating ang aktor sa Switzerland last Sunday at nag-post agad ang mag-asawa ng kanilang larawan na magkasama.

“Reunited at last,” caption ni Richard sa kissing photo nila ni Sarah.

Caption naman ni Sarah, “look who finally made it here and brought the sun with him.”

Pagkatapos nito ay sunod-sunod na ang post ni Sarah ng kanilang family photos habang masayang namamasyal. In one photo ay makikitang nag-cruise pa silang mag-anak kasama ang magulang ng aktres.

Nag-pose din ang mag-anak habang nakasakay sa train at caption ni Sarah, “ready for our Swiss adventure! 🇨🇭the best and most sustainable way to get around Switzerland is via @sbbcffffs trains.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.