Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim takot pa rin sa pagratrat ng sasakyan

0 218

Hindi pa pala fully recovered si Kim Chiu sa trauma na dinanas niya sa shooting incident early this year kung saan nga ay pinagbabaril ang kanyang van.

Sa kanyang Instagram Story ay ipinahayag niya na sa tuwing dumadaan ang kanyang sasakyan sa lugar na pinangyarihan ng insidente ay may nararamdaman siyang hindi niya maipaliwanag.

“When my car always stops in this certain area….it gives me that feeling that I don’t understand…” ang caption ni Kim sa larawan ng street na pinangyarihan ng shooting incident.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero aniya ay kailangan niyang harapin ito at tingnan from a different perspective para maka-get over.

“You will never get over a particular thing if you keep on avoiding it. All you have to do is to face it and give a different perspective. Though it takes time and courage,” aniya.

Matatandaang pinaulanan ng bala ang van ni Kim sa may labas ng kanilang subdivision habang papunta siya sa taping at milagro ngang nakaligtas sila ng kanyang driver at personal assistant.

Inamin niyang na-traumatize siya by the incident and it appears na up to now ay may trauma pa rin siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.