Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim tinago ang sakit: Du’n ako natakot

0 197

NI: VINIA VIVAR

Aminado si Kim Chiu na talagang marami siyang hinarap na challenges noong 2021 at isa na nga rito ang mga basher.

“Siyempre, nandiyan talaga ‘yung mga basher. Siyempre, sa It’s Showtime, everyday akong nagsasalita, everyday akong may lumalabas sa bibig ko nang hindi ko namamalayan, kilala n’yo naman ako. Salita lang ako nang salita, dire-diretso lang.

“So, may mga words ako do’n na nagagalit ‘yung ibang tao na parang napapadaan lang siya sa bibig ko. Pero siyempre, as a public person na nasa harap ng TV, mali ‘yun.

“Siyempre, as days pass by, natatama ko rin ang sarili ko, little by little,” sey ni Kim sa kanyang recent vlog.

Isa pang challenge nga raw sa kanya noong 2021 ay nang magpositibo siya sa COVID-19. Mga early last year daw ‘yun at hindi raw niya talaga ito ikinuwento sa publiko.

“Dahil wala talaga, wala akong naramdaman na kahit na ano na symptoms ng COVID. So, hindi ako makapaniwala na naging ganu’n.

“And then ‘yun, dahil nga sa protocol, kailangan, hindi ako mag-work, lumayo ako sa mga tao na sa isip at pakiramdam ko, eh wala naman talaga akong symptoms or anything na naramdaman na COVID.

“Wala akong lagnat, hindi masakit ang katawan, may panlasa ako, may pang-amoy, wala akong ubo, wala akong sipon, so hindi ko alam pa’no nangyari ‘yun,” sey niya.

Nag-isolate raw siya mag-isa sa kuwarto at doon daw niya na-realize na talagang life is short.

“That life is really precious na dapat nating i-treasure every single day. Never miss a day na hindi mo nagawa ‘yung gusto mong gawin. Kung ano ‘yung gusto mong gawin, gawin mo na. Kasi, malay mo, bukas, wala ka na dito sa mundo.

“So, du’n ako natakot. So, ‘yoon. Ang dami kong realizations noong time na ‘yun. I am just very thankful na wala akong naramdaman na kahit ano,” sey ni Kim.

Pero kung may mga challenges ay marami rin naman daw siyang natanggap na blessings last year na labis niyang ipinagpapasalamat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.