Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim tinalakan sa ‘kahibangan’

0 68

Grabehan ang pagtalak kay Kim Chiu ng mga basher. Kung mag-inarte sila ay aakalain mong mga ekspertong totoo sa usaping politikal.

Ang one of the “It’s Showtime” host kasi, eh takang-taka at hibang na hibang kung bakit ang isang presidential aspirant spokesperson ang mga gigil na gigil at pangmalakasan ang hanash sa mga bagay-bagay. Inuusisa ni Chiu kung bakit ang tagapagsalita nito ang mas palaban at matapang sa mga diskusyunan at ang taong inirereprisinta nito ay kadalasang “no show” at “lips are sealed”.Kumbaga, gamit na gamit ang dramang “less talk, lesser mistakes.”

Kahit pa nga super valid ang pagtataka ni Kimberly Sue sa kaganapan, wagas na wagas ang tinanggap niyang bashing. Ipinahayag lang naman niya ang kanyang curious observation.

Ang isa sa sweeping statement mula sa pangkat poot: “Iba talaga kumuda ang graduate sa PPB University.”

Ang tili mula sa samahang suklam para kay Kimmy: “Lutang din itong si Kim, eh. Trabaho niya ang pagiging tagapagsalita. He is doing his job accordingly.”

Mula naman sa team dalahira: “Kim, pakibuklat nga ang diksyunaryo at alamin mo dun ang kahulugan ng spokesperson. Itodo mo na rin ang pag-Google search para malaman mo kung ano ang mga tungkulin at responsibilidad ng isang tagapagpahayag.”

Juice colored! Kawawa naman si Bb. Chiu. Wala na yata siyang tamang ginagawa o sinasabi lalo na pag-usaping political ang topic. At ngayon ngang malapit na malapit na talaga ang halalan, tiyak mas magiging matapang at itotodo talaga ang asaran, buskahan at bwisitan.

Sa true lang ang pangyayaring ito kay Kim Chiu ay patunay na talagang tayo ay nasa isang demokrasya .Ayaw paawat ang mga kuro-kuro at pahayag mula sa may tunay na karunungan at nagpapanggap na maalam sa lahat ng larangan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.