Abante Tonite Interactive

Kim ‘true love’ ang turing kay Xian

By
0 2,035
tonite-imo-vinia-vivar

Abante Hiring – IT dep
Hindi pa masabi ni Kim Chiu kung sino ang kanyang “one great love” dahil iba naman daw ang klase ng “love” nga­yon sa boyfriend na si Xian Lim.
“Parang kung idi-distinguish ko kung great love or true love, true love (si Xian),” sabi ni Kim sa grand presscon kahapon ng One Great Love na official entry ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2018 kung saan ay kapareha niya sina Dennis Trillo at JC de Vera.
“Siguro, pagtanda ko pa mare-realize kung sino ang great love ko,” sambit pa niya.
Aminado si Kim na sobrang happy niya sa piling ni Xi.
“I’m very happy sa nararamdaman ko ngayon and naibabalik naman sa akin ‘yung pagmamahal na ibinibigay ko, so masaya naman ako.”
Sa One Great Love ay medyo mature Kim Chiu na ang makikita ng mga moviegoer dahil may mga kissing scene siya with Dennis and JC.
Sinabi ba niya kay Xian ang mga kissing scenes na ito?
“Oo, kasi, open na rin siya sa mga ganu’n. Rated PG (Parental Guidance) siya actually, eh, so ano talaga.
Supportive naman siya. Tinulungan pa niya ako kung paano sasagot sa mga tanong na ganito.
“Sabi ko, “paano sasabihin ko? Siyempre, tatanungin ako ng mga ganyan?” Sabi niya, “siyempre, lumabas ka sa comfort zone mo, hindi ka naman maggo-grow kung hindi mo itsa-challenge ang sarili mo.” And chinallenge ko talaga ang sarili ko dito,” saad pa ni Kim.
Talaga raw hindi siya nagpatawa rito at lumabas nang todo sa kanyang comfort zone. At gusto rin naman daw niyang ipakita ang ganitong kuwento sa manonood dahil lahat naman daw tayo ay nagmahal at nasaktan.
Ayaw na niyang ikuwento pa ang love scenes niya sa pelikula pero sey niya, mas maganda raw palang gumawa ng ganitong eksena pag hindi mo kilala ang kapareha mo at talagang trabaho lang.

Jericho kinuyog ng mga nagnenega kay Jessy

Nang panahong dumadaan ang leading lady niya sa The Girl in the Orange Dress na si Jessy Mendiola sa mga matitinding pangba-bash mula sa mga netizen, ani Jericho Rosales ay pinayuhan daw niya itong huwag na itong pansinin. Pero maging siya ay nagulat din daw talaga sa tindi ng mga basher ng aktres.
Siya mismo ay napatunayan niya ito nang mag-post siya sa kanyang Instagram ng larawan nila ni Jessy while shooting the film at talagang kinuyog din siya ng mga basher.
“First time kong naka-experience sa Instagram ko ng ganu’n kadaming bashing. Na parang nag-post ako ng picture naming dalawa, tapos biglang. . . ang wild! Tinignan ko ‘yung mga accounts, puro naman mga troll, ‘yung walang followers, ganu’n,” sabi ni Echo kahapon sa presscon ng The Girl in the Orange Dress.
Ipinagtanggol niya nga that time si Jessy at nag-post siya ng tungkol sa negativity. At pagkatapos ay pinayuhan niya ang aktres.
“Sabi ko, “you know, it will pass. Don’t let these people or itong situation na ito to stop or go against your dreams, passion and talent mo. There’s so much more, kaya mo ‘yan. It’s a test of ano lang ‘yan, faith, strength, patience, love, forgiveness, parang ganu’n.”
When asked kung paano naman niya idini-deal ang mga basher, aniya, kaila­ngan daw talaga ng deep love and understan­ding.
“Wala, sinasabi ko na lang “let love, let God, bahala na sila. I will say something, alam mo naman ako, fighter ako, I will say something. Pero at the end of the day, hindi ako makikipag-untugan para sa mga ganu’n, kasi wala naman tayong mapapala and hindi rin sila matututo,” ani Echo.
Minsan ay naranasan na rin ng aktor na gusto na ring tumi­gil sa showbiz tulad din ng ini-reveal ni Jessy at the presscon na muntik na siyang tumigil bago dumating ang offer ng The Girl in the Orange Dress.
Aniya ay normal na pinagdadaanan ‘yun ng artista especially kapag pagod na. Pero babalik at babalik naman daw ‘yun if you’re really an artist. Kaya thankful din siya sa mga taong nag-advice sa kanya and he’s glad that he’s back.