Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim ‘tsugi’ sa pagbabalik ni Anne

0 107

ROMMEL PLACENTE: Nasa Manila na uli si Anne Curtis.So balik-It’s Showtime na siya sigurado.

Ang tanong,kung babalik na nga ang mestisang aktres sa nasabing noontime show ay tanggalin na kaya ru’n si Kim Chiu? Matatandaang kinuha sa It’s Showtime si Kim bilang panghalili muna kay Anne since nagbakasyon ito sa ibang bansa? Pero sana nga ay permanente na run ang boyfriend ni Xian Lim.In fairness sa dalaga nakakatulong siya sa show.Mas marami ang nanonood nito ngayon dahil marami siyang mga fan.Di ba,nilagay siya ru’n after mag-viral sa ‘bawal lumabas’? Mas sumikat pa nga siya dahil sa mali -mali niyang sinabi at naging kanta pa niya ito.

Sa nakikita namin ay nagi-enjoy naman siya sa kanyang hosting job.Puro bungusngis nga siya ru’n. At nagdya-jive sila ni Vice Ganda kapag nagkakasama sila sa isang segment.

Minsan nga nagtanong siya ng pabiro kay Vice kung tatanggalin pa siya sa show Nagwo-worry pa rin si Kim.

RODEL FERNANDO: Kahit naman bumalik pa si Anne sa Its Showtime ay ganun pa rin ang mangyayari. Mananatili pa ring mababa ang rating ng show hanggat hindi nakakabalik ang ABS-CBN. Puwedeng nasabik sa kanya ang mga tao pero hanggang doon lang ‘yun.

Babalik kaya agad si Anne bilang host? Baka may mga aayusin pa siya bago magbalik-tv.

Sa usapin namang baka tanggalin si Kim Chui ay malabo siguro. Nakita kasi ng management ang pagiging loyal niya sa istasyong iniwan ni Maja Salvador. Isa pa, nakaka-deliver naman siya.Marami na rin ang nagkakagusto sa kanya bilang isa sa mga host ng noontime show.

Going back kay Anne, bakit kaya naisipan niyang umuwi sa Pinas mula sa Australia kahit may pandemya. Hindi kaya nahihirapan na sila roon ng kanyang pamilya? Oo nga naman, andito kasi ang kanilang kabuhayan ng kaniyang asawa na si Erwan Heussaff. At saka nasabi naman dati ni Anne sa kanyang mga interbyu na babalik sila agad ng Pilipinas.

MILDRED BACUD: Very open naman si Vice Ganda sa pagsasabing sobrang nami-miss na niya ang kaibigang si Anne Curtis. Higit isang taon na rin kasi mula ng huli silang magkita. Bago pa man kasi ang pandemya nu’ng Marso ay nauna nang nagpaalam ang aktres sa It’s Showtime na pupunta sa Australia para hintayin ang panganganak. Nakauwi na sana sila ni Erwan at anak nito pero naipit sila sa pandemya. Kahit malayo naman si Anne, nandyan pa rin ang suporta niya sa It’s Showtime at nangakong hindi iiwan ito. Anytime daw ay babalik na ang aktres sa show kaya naman may mga nagtatanong kung mananatili pa rin ba si Kim Chiu as host?Matatandaan last Sept.28 ay winelcome ang aktres bilang karagdagang host. Hindi naman bago si Kim sa nasabing show dahil madalas naman na siyang mag-guest co-host.

Ayon sa source, regular host na raw si Kim sa Its Showtime.Kahit dumating na si Anne ay mananatili pa rin siya as regular host.

In fairness malaki na rin ang tulong ni Kim sa show.Mas nadagdagan ang mga commercial.

ROLDAN CASTRO: Keri naman na hindi ma-etsapuwera si Kim sa pagbabalik ni Anne. Wala rin naman si Mariel Rodriguez na dating regular host.

Mas lalakas ang ‘It’s Showtime’ pag nandiyan na naman si Anne. Iba rin kasi ang angas niya sa pagho-host. Pareho rin sila ni Kim na sakay ang mga biruan sa show.

Tingnan natin kung tuloy-tuloy pa rin ang tsismis na natatalo sila sa ratings ng ‘Lunch Out Loud’ ng TV5 pag nandiyan na si Anne.

Speaking sa pagbabalik ng kanyang pamilya sa Pilipinas, may caption si Erwan sa IG story niya na ‘Home after 1 Year’. Ipinakita ang pagluluto sa bahay at ibang ginagawa.

At kailangan na rin talagang umuwi ni Anne dahil sinasabihan na siya ng Viva na marami siyang proyekto na nabinbin at kailangan nang simulan.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.