Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim tupok sa #cancelkorea

0 130

Kawawang Kim Chiu! Bakit kaniyo? Aba ngayong may malakasang #cancelkorea, paano na ang kinarir niya pa man ding dance cover ni Itzy? Hindi kaya matupok siya sa bashing and hating dahil dito?

May racist remarks ang ilang mga Koreano at kanilang pinangangalandakan na na ang mga Pilipino ay pangit, maiitim at walang pinag-aralan. Saan kaya galing ang ngitngit at poot na ito para sa mga Pinoy?

May isang bidyo pa nga sa Twitter na pinaglalaruan ng isang Korean actress ang punto ng mga Pilipino pag nagsasalita ng wikang Ingles. Nagmamaganda ang Korean actress na sa una ay speaking with an American accent at ang sinunod niya ang Filipinos manner of speaking English at ginawa niya itong katatawanan.

Sa true lang, masasakit naman talaga ang mga salitang ibinato ng kakarampot na mga Koreano laban sa atin. Kaya sa mga galit na galit, sige. Karapatan niyo naman na ipagtanggol ang ating lahi.

Panahon na nga ba, lalo na para sa mga millennial na haling na haling sa Kpop at drama na itigil na ang kanilang obsesyon sa kulturang banyaga?

At sa isang artistang tulad ni Chiu, na sa anim na buwan, mas timuon pang gayahin ang isang Korean pop star kesa bigyang pansin at pahalagahan ang kanyang sariling kultura, nasa hulog at tamang katwiran ba na maging gaya-gaya lamang?

Of course, wala naman dapat masyadong expectations sa isang tulad ni Kim lalo na pagdating sa loving her own Filipino culture. At nasa demokrasya naman tayo at kung sa anything and everything that is Korean siya haling na haling, hayaan na natin ang kanyang tripping. Pero, hindi porke hinahayaan natin siya, it means na kalugod-lugod ang kanyang ginawa.

Hindi ko rin pipigilan ang tripping ng mga mang-aaglahi, manlalait at manlilibak sa kanya for being a nothing but a second rate, trying hard copy cat of Korean artist na parang makati pa sa gabi ang pangalan, huh!

Ang Porsche na nasa dance cover bidyo ni Kim, si Xian Lim daw ang nagmamay-ari. Ang yaman-yaman na pala ni Alexander, huh.

Ginamit ang kotse ng jowa. Ginamit ang kanta ng isang banyaga para magpasiklab. Kailan naman kaya gagamitin ang brain cells niya para humusay siya sa pag-arte lalo na nga’t ang acting ay isang skill na pwede talagang pag-aralan at matutuhan?

Kaya kung putok na putok ang #cancelkorea, hindi na ako magtataka kung biglang bumulaga rin ang #cancelkimchiu.

Leave A Reply

Your email address will not be published.