Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim walang alalay sa taping

0 80

Tinanong namin si Kim Chiu sa finale virtual presscon ng “Love Thy Woman” kung ano ang pinakamemorable na eksena nila ni Xian Lim sa seryeng ito?

“Under restrictions kami ng pandemic.Eto lang ang puwedeng gawin.Hindi puwedeng gawin ito. ‘Yung buong experience. Hindi siya normal.Iba siya. Iba ‘yung experience ng “Love Thy Woman’. Yeah, buo, lahat.Pangkalahatan,” pakli niya.

So, paano siya nakapag-adjust sa new normal na taping?

“New normal na taping ikaw lahat. Ikaw ang magdadala ng gamit mo, ikaw ang mag-aayos ng gamit mo. Ikaw ang magme-memorize ng lines mo at ikaw ang magliligpit ng gamit mo. So, parang as one ikaw lahat ang gagawa.And I’m very happy na nagtutulungan kami sa set.Kinaya naman,” tugon ni Kim

Related Posts

Ipinagbawal kasi na maraming tao sa taping kaya hindi na nagsasama ng PA ang mga artista. Ito’y para makaiwas sa COVID 19 at magkaroon ng social distancing. Iisa rin ang tinutuluyan nila pag naka-lock-in sila ng ilang araw.
Anyway, magkakasukatan na ng husay sa utakan at talas ng pakiramdam ang kababaihan ng “Love Thy Woman” sa patuloy na banggaan nina Kim Chiu, Yam Concepcion, Eula Valdes, Sunshine Cruz, at Ruffa Gutierrez para sa kayamanan at hustisya sa huling dalawang linggo ng serye sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

Patuloy na magbibintangan at maglalaglagan ang mga pamilya ni Adam (Christopher de Leon) sa paglabas ng mga kasagutan sa likod ng pagkamatay at iniwan niyang yaman.

Tuluyan na ngang naipit sa krimen si Lucy (Eula) dahil sa akusasyon ni Amanda (Ruffa) na siya ang tunay na maysala. Kahit pa magkaagaw sa yaman, hindi kumbinsido sina Kai (Sunshine) at Jia (Kim) na magagawa ito ni Lucy, kaya’t mamanmanan nina Jia at David (Xian Lim) ang mga galaw ni Gab (Karl Gabriel) para tumulong sa imbestigasyon.

Si Lucy nga ba ang pumaslang sa asawa niya? Sino sa limang babae ang tunay na may karaparatan sa kayamanan ni Adam? Kanino kina Jia at Dana (Yam) mapupunta ang pinakamamahal nilang sina David at Michael?

Alamin kung sino ang “the last woman standing” sa “Love Thy Woman,” Lunes hanggang Biyernes, 2:30 PM, sa Kapamilya Online Live sa Facebook page at YouTube ng ABS-CBN Entertainment, at sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.