Abante Tonite Interactive

Kim walang ‘K’ tawaging box-office queen

560

Kung totoo ang sinasabi ng pralala writers ng Viva Films na kumita sa takilya ang “Jowable”, na bida si Kim Molina, ang masasabi ng Diva that you love ay well and good.

Congratulations kay Kim. At least, hindi semplang ang resulta sa takilya ng movie, unlike ‘yung ibang movies na hindi kumita kahit todo-todo rin ang promo.

Nakatsamba si Kim. Tsamba kasi first solo film niya ang “Jowable” at mahigit P20 million ang kinita. Not bad for a star of Kim’s stature.

Pero kumita man ang “Jowable”, huwag naman tayo masyadong eager sa pagtawag kay Kim as “box-office queen”. Isang movie pa lang nag-hit, box-office queen na agad? Hindi man lang dumaan sa pagiging dama o kaya prinsesa? Queen na agad? Hello!!!

Bago mo i-label ang isang artista na box-office queen, dapat may criteria na sundin. Una, dapat super mega lakas sa takilya ang movie niya. ‘Yung milya-milya ang pila at kailangang maghintay ka ng ilang oras o araw baka ka makapanood.

Pangalawang criteria for judging, dapat mayroon sustaining power ang movie, as in, one month na itong palabas sa sinehan eh marami pa rin ang watch.

At ikatlo, dapat ang next movie ni Kim, if ever there will be one (meron naman daw) eh papalo rin nang bonggang-bongga sa takilya. Consistency is the name of the game.

Kung kaya tuparin ni Kim ang mga nasabing criteria, then puwede na siyang maging candidate sa pagiging box-office queen.

Pero kung wiz niya ma-meet ang criteria, well, freak success ang “Jowable”. Dapat consistent, tulad ng record ni Kathryn Bernardo o Sarah Geronimo. Nagtatala ng bagong record sa takilya, ‘di ba?

Alden nagpatulo ng luha

Ang galing-galing ni Alden Richards sa “The Gift”. Ito ‘yung episodes na tulog siya bago pa niya malaman na mabubulag siya.

Juice colored! Tulog na siya at lahat, eclipsed pa rin niya sa pag-arte sina Jo Berry at Mikee Quintos, huh!

Tanging si Lola Chat, si Elizabeth Oropesa ang naka-level sa no acting please ni Richards.

At nu’ng dumilat na ito at napagtantong wala na nga siyang paningin na, tumutulo na ang copious tears at bilang viewer, damang-dama at dala ka sa pain and desperation.

Bravo, Alden! Tumutulo rin ang luha ng Diva that you love sa galing mo!