Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim, Xian kasal na lang ang kulang

0 299

Halatang nasabik sa beach at pictorial sa dagat ang showbiz couple na sina Kim Chiu at Xian Lim . Sunod-sunod ang post nila ng mga larawan nila sa Boracay kung saan sila kasalukuyang nagbabakasyon.

May kuha pa si Kim na naka-two piece kasama si Xian na nagtitigan. Reaksyon ng netizens kilig much, kasal na lang daw ang kulang.

Marami rin ang naseksihan kay Kimmy.

Anyway, lumipad sina Kim and Xian 3 days ago patungong Boracay at nagpost pa ang aktres ng larawan nila bago sumakay ng eroplano. Caption niya nga, first time niya raw ulit makasakay ng plane after 11 months.

“First time to ride a plane since lock down, after 11 months! ✈️ It felt a little different but good thing @airasiaph made sure everything is clean and safe. Very good accommodation, fast, clean plus everything is well sanitized,” bahagi ng caption ni Chinita Princess.

Makikita rin sa larawan na kasama nila ang pamilya ni Kim sa nasabing bakasyon.

Sa caption naman ni Xi, aniya, kakaiba naman daw ang travel nila this year.

“Different type of travel this year! 😄 Traveling with the Chiu’s with my guests, the Montinolas 😄 we had a great flight @airasiaph 😄 We can’t wait to share our pictures with you guys🎄 have a great holiday everyone!” caption ng aktor.

Base sa mga sunod-sunod na beach photos nila, halatang nage-enjoy ang KimXi sa kanilang bakasyon lalo pa nga’t ngayon lang ulit sila nakapag-travel ulit since the lockdown.

Sa isang post ni Kim ay makikitang nasa jacuzzi siya ng kanilang suite at sa caption, aniya ay hoping and praying siya na ang 2021 ay magiging maganda na para sa ating lahat.

“Holiday break, taking this time to look back on how 2020 went and five more days. We will welcome another year! Hoping and praying that it will be a lot better for all of us!” caption ni Kim.

Ang ganda namang tingnan ng silhouette/sunset photo nina Kim and Xian habang nasa bangka sila sa dagat.

Ang tanong ng marami, nag-propose na rin kaya si Xian kay Kim since usong-uso nga ngayon ang engagement and kasalan? Sila na kaya ang susunod na mai-engage? (Vinia Vivar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.