Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim, Xian magpapakilig sa ASAP V-day special

0 50

NI: ROLDAN CASTRO

Tuloy ang pagbibigay saya ngayong Linggo, Pebrero 14, ng world-class Kapamilya stars and performers sa Valentine’s Day special ng ultimate concert experience on television na “ASAP Natin ‘To.”

Matapos ang bonggang 26th anniversary celebration ng ASAP, patuloy pa rin ang paghahatid ng mga top-notch numbers mula kina Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Zsazsa Padilla, at Regine Velasquez.

Para ipagdiwang ang tagumpay sa Billboard charts ng Fil-Am singer na si Olivia Rodrigo, bibida rin sa ASAP stage sina Elha Nympha, Janine Berdin, Sheena, at Kz habang hindi naman pahuhuli ang mga OPM idols na sina Bamboo, Darren Espanto, Klarisse de Guzman, at Angeline Quinto para handugan ng mga awitin ang mga fan. Tampok din ngayong Linggo ang pag-harana ni Iñigo Pascual ng awitin mula sa kilalang classic duo worldwide na Air Supply.

Makikipag-collab naman ang new breed ng ASAP performers na sina Sam Cruz, Diego Gutierrez, Anji Salvacion, at KD Estrada, kasama ang nag-iisang Concert King, Martin Nievera.

Hahataw muli ngayong Linggo ang dance royalty na si Kim Chiu, Maymay Entrata, G-Force, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Charlie Dizon, Vivoree Esclito, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Joao Constancia, Jameson Blake, Joshua Garcia, at ang bagong Darna na si Jane de Leon. Maki-indak muli ngayong Linggo with P-Pop girl group na BINI at mamangha sa talent ng Pinoy trio na iDolls.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kilig at romansa naman ang hatid sa pagsasama-sama ng real-life couples na sina Kim Chiu at Xian Lim, KZ at TJ Monterde, at ang mag-asawang OPM icons na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez- Alcasid.

Abangan naman ang Valentine hugot mula kina Nina, Juris, at ZsaZsa.

Maliban sa selebrasyon ng Valentine’s Day, ipagdiriwang din on stage ang ika-500 na taon ng Kristiyanismo sa bansa. Abangan ang musical guest na si Jamie Rivera kasama sina Erik Santos, Jed Madela, Nyoy Volante, Jason Dy, Jeremy Glinoga, at ang vocal group na The Company. Magsasama para sa kanilang “As 1” performance sina Martin Nievera at Gary Valenciano.

I-celebrate ang pag-ibig kasama ang longest-running Sunday musical variety show na “ASAP Natin ‘To” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 SD at channel 167 HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at Cignal channel 22), Kapamilya Online Live, at A2Z (sa analog at digital TV).

Mapapanood pa rin ang ASAP sa TV5, at worldwide naman sa iWantTFC at TFC.

Leave A Reply

Your email address will not be published.