Abante Tonite Interactive

Kim Yoo Jung gumaling sa hypothyroidism

By
356

tonite-annyeong-rose-garciaBalik-showbiz na ang South Korean actress na si Kim Yoo Jung. Marami na rin ang naiinip kay Yoo Jung mula nang mag-hiatus ito ng ilang buwan pagkatapos na magkasakit at tumanggap ng treatment.

Nagkaroon ng hypothyroidism si Yoo Jung. Dahil sa sakit niya, nag-stop filming ang dapat ay pagbabalik niya sa drama after ng Moonlight Drawn by Clouds.

Pero hinintay ng production si Yoo Jung na gumaling. Ngayon ay nagsisimula na siyang mag-taping ng “Clean with Passion for Now” ng JTBC.

Sa socmed ni Yoo Jung, nag-post ito ng pagbati sa mga fan sa pamamagitan ng kanyang fan cafe.

Aniya, “It’s been awhile. How have you been? I’ve been working very hard (to recover my health) so I’ve gotten a lot better. I appreciate the support and those who’ve waited for me.

“I’ve started filming today. I successfully completed the first filming for ‘Clean with Passion for Now’ and returned home. I wanted to share my update to the fans who I miss so much so I’m leaving a post like this before I go to bed. You guys who are always the biggest support to me, I always appreciate­ you and I love you so much. Let’s meet soon!”

At least, pareho sila ni Park Bo Gum na after ng last drama nila ay halos sabay rin na nagbabalik.