Abante Tonite Interactive

Kimerald 5 taon nang mag-dyowa

740

Limang taon na pala ang relasyon nina Kim Molina and Jerald Napoles pero kailan lang nila ito inamin sa publiko. Noon pa naman ay natsitsismis na rin sila dahil nga kitang-kita ang kakaiba nilang chemistry sa musical na “Rak of Aegis” kung saan nabuo ang kanilang relasyon.

Sa presscon kahapon ng pelikula nilang “Jowable”, ikinuwento ni Kim kung paano nabuo ang kanilang relasyon.

“Nu’ng unang beses ko po siyang makita, kaka-break ko lang po sa boyfriend ko nu’n. Kumbaga, a few months after ng break-up sa boyfriend ko. Ayokong maghanap ng dyowa,” simula ni Kim.

Pero crush na raw niya that time si Jerald dahil ganu’n daw ang mga gusto niya sa lalaki na tipong bad boy tingnan.

Habang ginagawa nila ang “Rak of Aegis” ay sinimulan na raw silang tuksuhin ng mga kasamahan. Ang tawag sa kanila ay Kimerald dahil nga kapangalan nila sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

“Kimerald kami sa ‘Rak of Aegis’ tapos kinikilig sa amin ang mga tao. Eh ‘di sinakyan namin. Hanggang sa nagkatotoo, landi-landi, ganu’n.”

Nagkataon ding nang time na ‘yun, kabi-break lang din ni Jerald sa kanyang ex-girlfriend kaya parang pinagtagpo talaga sila ng kapalaran.

“Alam mo ‘yung sinasakyan mo lang muna kung ano ‘yung mangyayari, ganyan-ganyan. Tapos, nagkahulihan kami ng toyo sa ulo.

“We started becoming not just as partners pero as best friends,” he said.

Mas maganda raw kapag ang foundation talaga ay pagiging magkaibigan dahil mas matibay ang relasyon.

When asked kung wala pa ba silang balak na i-level-up ang kanilang relasyon, meaning, to settle down, ayon sa Kimerald ay wala pa raw.

“Ngayon po kasi, kaming dalawa ni Je, parang we’re just being supportive of each other,” sey ni Kim.

Sexy-comedy ang tema ng “Jowable” at may bed scene sina Kim and Jerald. Ayon sa dalawa, sobrang awkward daw for them ang nasabing mainit na eksena.

“Kasi, para kaming umarkila ng mga tao para manonood sa amin habang magkapatong sa kama. Tapos, habang hinahalik-halikan mo, biglang may ‘o, ibang anggulo.’ So, mas awkward pala siya,” sey ni Jerald.

Showing na sa Sept. 25 ang “Jowable” mula sa panulat at direksyon ni Daryll Yap.

Jerald, Direk Daryll umamin sa pag-batibot

Sa nasabing presscon pa rin, sobrang laugh trip ang nangyari nang matanong sa mga cast kung nagma-masturbate ba sila.

Umamin naman agad si Jerald pati na rin si Direk Daryll.

“Opo, madalas,” sambit ni Jerald.

Pero ang mga girls ay hindi nakasagot.

Sey ni Candy Pangilinan, hindi raw niya kaya talagang sagutin ang tanong.

Pero si Cai Cortez, dahil nga buntis siya ay na-finger na raw siya ng kanyang OB-Gynecologist.

Hahaha!

AJ weird na mabait

Muling bibida si AJ Muhlach sa “Ipaglaban Mo” ngayong Sabado (Sept. 14), at sa dinami-dami raw ng nagawa niyang episode sa nasabing programa ay ngayon lang daw siya gaganap na isang mabait.

Isang masipag na pulis ang role ni AJ sa episode na pinamagatang “Malasakit” at siya ang magreresolba ng murder case sa isang pamilya.

‘Yun nga lang, dahil nasanay siya sa bad guy roles, medyo weird daw for him itong “Malasakit” at mas kinabahan pa raw siya kung kailan naman mabait ang role niya.

“Sobrang bago ulit, eh. ‘Yung pagiging good guy, parang hindi ko na matimpla. Pero nakuha ko naman siya sa 2 days (taping) na ‘yun,” sey niya sa online interview ng ABS-CBN.